^

Pang Movies

Aktres sagad ang selos sa childhood friend ng ka-love team!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na nagdededmahan daw ngayon ang dala­wang young stars na ito na may malakas na following dahil sa kanilang team-up sa isang teleserye?

Ayon sa aming source, unang nagtampo ang girl dahil may natuklasan siyang ginawa raw ng kanyang ka-loveteam na ayaw na ayaw niyang gawin nito.

Sinusubukan daw ni boy na mag-explain kay girl pero hindi raw ito nakikinig at dinededma nito ang mga text at tawag nito.

Kaya pagdating sa taping ay nagulat na lang daw ang nasa production na tila hindi nagpapansinan ang dalawa.

Nasanay na raw kasi silang makitang sabay duma­ting ang dalawa at parati silang magkatabi sa standby area. Pero noong araw na iyon, magkahiway sila at kapag may eksena lang sila nagkikita.

Mabuti na lang daw at professional ang dalawa kaya kahit na may mga yakapan ang mga eksena nila ay nagagawa nila ng maayos. Pero kapag nag-cut na raw ay may kanya-kanya silang lugar sa location.

Dagdag pa ng source namin, may pinagseselosan daw na non-showbiz girl itong si babae na nakita niya sa isang Instagram video ng kanyang ka-loveteam.

Oscar de la Hoya arestado!

Inaresto ang 1992 Olympic boxing champ na si Oscar De La Hoya dahil sa salang DUI or Driving Under the Influence.

Nahuli ang Hall of Fame boxer ng California Highway Patrol at kinasuhan siya ng dalawang misdemeanors: driving under the influence of alcohol and driving with a blood alcohol content of .08% or greater, according to a police report.

Sakay ang 43-year old boxer ng kanyang Land Rover sa Del Mar Blvd., West of Arroyo Blvd in Pasadena ayon sa police report.

Noong parahin siya, naka-detect na sila ng amoy ng alak sa hininga ni De La Hoya.

Hindi pumasa ang boxer sa ilang sobriety tests at inaresto siya. Nakapagpiyansa na siya dahil sa tulong ng kanyang manager. Retired na sa paglaro ng boxing si De La Hoya pagkatapos siyang matalo ni Manny Pacquiao noong 2008.

Naka-base na siya sa Los Angeles ay founder and CEO siya ng Golden Boy Promotions at mina-manage niya ang boksingerong si Canelo Alvarez.

May history ng substance abuse si De La Hoya. Pumasok ito sa rehab facility na Betty Ford Center noong 2011. Noong 2013, muli siyang nagpa-rehab dahil sa pagiging alcoholic niya.

 

vuukle comment

OSCAR DE LA HOYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with