^

Pang Movies

Mark biglang nanahimik!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukha ngang natahimik na rin maging ang media sa pagsunud-sunod sa kaso ni Mark Anthony Fernandez ngayon. Samantalang matapos siyang mahuli noon sa Angeles, akala mo may vigil sa pagbabantay kung ano ang susunod na mangyayari sa kanya. Mukha naman daw kasing smooth ang takbo ng kaso. Ibig sabihin, tumatakbo iyon kagaya ng inaasahan ng lahat.

Siguro nga makabubuti rin naman para kay Mark ang ganyang pananahimik, dahil at least hindi na lumalaki ang issue ng pagkakakulong sa kanya. Kung sakali man at makalaya siya, mas magiging madali sa kanya na balikan ang career. Kung hindi naman siya susuwertihin mas mabuti pa rin iyon dahil hindi na gaanong pag-uusapan ang isyu.

Pero marami ang nanghihinayang talaga kay Mark. Sabi nga nila, kung kailan mas tumitindi ang kanyang talent bilang isang actor at kung kailan kailangan ng industriya ang mga actor na masasabing mahusay talaga saka pa nangyari ang ganyan. Kung iisipin ninyo, ang sitwasyong iyon ay maaari namang naiwasan sana kung hindi lamang siya nagkaroon ng maling paniniwala.

Iyong paniniwala niya na ang marijuana ay makatutulong nga sa kanya, at maiiwasan ang sakit na cancer na labis niyang kinatatakutan dahil sa nangyari sa tatay niya ang talagang nagpahamak sa kanya. Iyan naman ang mga turong nakukuha sa social media. Tingnan ninyo ang laman ng social media, pero tungkol sa pagiging legal ng marijuana ang sinasabi nila kahit wala pa namang matibay na medical findings. Maraming mga kabataan ang naililigaw ng mga maling paniniwalang nasasagap nila sa social media. At ang masakit, walang control sa mga lumalabas diyan.

Kung mali man ang lumabas, papaano mo pa nga ba mapipigil ito? Si Mark ay biktima ng maling paniniwala na kumakalat sa social media. Sayang na bata.

Tinanggalan ng korona sa Miss Earth na si Imelda sinisiraan ang Miss U!

Kasama ang inalisan ng koronang dating Miss Philippines Earth na si Imelda Bautista Schweighart sa mga tumututol sa Miss Universe, sa pagsasabing nagagamit daw ang mga babae sa ganyang klase ng contests.

Ikinuwento pa niya ang feeling ng mga babaeng kailangang lumakad sa harap ng maraming tao in swimwear para ipakita ang kanilang katawan kahit napipilitan lamang sila. Bahagi kasi iyon ng contest kagaya ng nasalihan niyang Miss Earth noon.

Pero ang nagbibigay kulay lang sa kanyang comment ay kung bakit hindi ito lumabas noong sumali siya sa Miss Earth. Nagsimula lang naman ang ganyang issue matapos na magkaroon ng controversy dahil sa ginawa niyang pamimintas sa nanalong Miss Earth sa harap ng kanyang supporters na nailabas din sa social media kaya kumalat at nabuko ang kanyang ginawa.

Iyang Miss Universe, ikatlong hosting na natin iyan at maganda naman para sa bansa ang ibunga ng mga naunang hosting natin. Bakit kailangan nating kalabanin?

Siya nga pala, iyang Miss Universe ay may mga activities na mapapanood ninyo exclusive lamang sa TV5. Kaya kung gusto ninyong masundan ang lahat, pati na nga ang swimwear competition, sa TV5 lang ninyo mapapanood iyan.

Kaso ni Bong hindi na umusad!

May nagkuwento sa amin, dismayado si Bong Revilla sa napakabagal na pag-usad ng kanyang kaso dahil postponed na naman ang hearing niya noong isang araw sa kahilingan ng prosecution. Ang tagal na nga naman nilang nakakulong, pero hanggang ngayon hindi pa umuusad ang hearing.

vuukle comment

MARK ANTHONY FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with