^

Pang Movies

Pia excited nang mag-farewell!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pia excited nang mag-farewell!
Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach

Marami ang nag-akala na kapag ipinasa na ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang kanyang korona sa 65th Miss Universe pa­geant on January 30 dito sa ating bansa, nasa plano na raw nitong magpakasal na agad sa kanyang nababalitang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Very open na kasi si Pia sa kanyang relasyon sa Fil-Swiss F1 race car driver. Nag-viral pa ang photo nilang nasa Hawaii sila noong nakaraang New Year.

Pero sa isang tweet ng 27-year-old beauty queen, wala pa raw sa plano niya ang magpakasal.

“Just to be clear, wala po akong balak magkaanak o mag-asawa after Miss Universe. Kalma lang po.”

Plano ni Pia na bumalik sa New York at subukan pa rin ang suwerte niya roon kahit hindi na siya ang Miss Universe.

“I want to take the opportunities that might be waiting for me there.

“I already made lots of contacts in New York and let’s see what is in store for me after my reign.

“I’m still young and I want to explore. To see what else I can do out there.

“It’s been a wonderful experience for me as Miss Universe and I hope the next Miss Universe will enjoy her journey as well,” ngiti pa niya.

Sa isang Facebook Live ni Pia, napag-usapan ang kanyang suporta sa ating Philippine representative na si Maxine Medina.

Ayon kay Pia, malaki ang potential ni Maxine na mapansin sa Miss Universe at hindi dahil gagawin ang naturang pageant dito sa ating bansa.

“She’s been training very well. She’ll do very well at Miss Universe.

“She’s always been a strong contender and I can’t wait to see her perfor­mance for the final night.

“And she has like the whole country backing her up so she’ll do just fine.”

Excited na rin si Pia dahil sa Pilipinas niya gagawin ang kanyang farewell walk.

“I’m very excited for the competition because it’s happening, of course, in the Philippines, and it’s something that I’ve always wanted to see, and I am glad that it’s happening during my reign so I get to turn over my crown there.

“I may not have had a first walk but at least I’ll have a nice final walk and I am excited for that.

“Can’t reveal any details about the gown yet because I wanna keep it a surprise,” pagtapos pa ni Pia Wurtzbach.

Joyce nagulantang sa pa-party ng fans

Nag-turn 22 years old na ang female lead ng teleserye na Hahamakin Ang Lahat na si Joyce Ching noong nakaraang January 5.

Sa set ng Hahamakin Ang Lahat naganap ang malaking sorpresa para kay Joyce ng kanyang fans.

Hindi nga raw inaasahan ni Joyce na mag-aabala ang kanyang fans para sa kanyang kaarawan. Kaya ang inakala niyang simpleng birthday ay naging instant party sa set.

“Sa mga minamahal kong @chinglovers, maraming maraming salamat sa isa na namang paandar at pag-surprise!

“Thank you sa effort niyo na maghanda at salubungin ang birthday ko ng magkakasama sa set!

“Marami pa kong sasabihin kaya itetext ko na lang. Haha! I love you all!” post pa ni Joyce.

Hindi naman nakalimot bumati ang kanyang ka-love team at ex-boyfriend na si Kristoffer Martin.

Isa sa gusto ni Kristoffer kay Joyce at ang pagiging malapit nito sa kanyang mga fans. Kaya naman hindi puwedeng hindi siya bigyan ng party ng kanyang fans.

Isa sa wish ni Joyce ay mas mabigyan pa siya ng mga mapaghamong roles sa TV tulad nang ginagawa niya sa Hahamakin Ang Lahat.

Boobay lalagare na naman sa trabaho next month!

Hindi napigilan ni Ate Gay na maging emotional noong muli silang nagkita ni Boobay pagkatapos nitong magkasakit.

Nagkaroon kasi ng reunion ang mga stand-up comedians ng Klownz na kinabibilangan nina Allan K, Pooh, Pepita Curtis, Chubbylit,  at Ate Gay.

Nagbakasyon kasi si Boobay sa Ilocos Norte noong nakaraang Pasko. Pagbalik nito ng Manila, naisipan nitong bisitahin ang kanyang mga kaibigan sa Klownz.

“Iyakan hahaha tara sa klownz @boobay7

“@boobay7 mahal na mahal na mahal kita .. pinaiyak mo na naman ako haaay natuwa ako kasi parang di ka nagkasakit .. pagpatuloy mo yan ha lab u,” caption pa ni Ate Gay sa selfie nila ng Boobay.

Ipinagpapasalamat ni Boobay ang second chance na ipinagkaloob sa kanya ng Panginoong Diyos.

Noong November 28, 2016 naospital si Boobay sanhi ng isang stroke.

Ang kanyang partner na si Kent Juan Resquir ang nag-alaga sa kanya hanggang sa makabangon na ito at makapaglakad.

Noong December 28, 2016 ay nag-post si Boobay sa Instagram ng kanyang  pasasalamat sa Poong Maykapal na siya ay buhay pa.

“Thank you Lord at ok na po kayo... laki din pasalamat ko at pinagbigyan pa ako ni Lord.”

Sa February 2017 ang pagbabalik ni Boobay sa kanyang trabaho bilang Kapuso comedian.

 

 

vuukle comment

PIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with