^

Pang Movies

Movie ni Vhong Maaapektuhan sa apela ng MMFF!

SO...CHISMIS ITOH!? - Lolit Solis - Pang-masa

Hinihiling ng Metro Manila Film Festival Exe­cutive Committee sa theater owners na i-extend hanggang January 7, 2017 ang 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kapag pinagbigyan ng theater owners ang apela ng MMFF ExeCom, baka magkaroon ito ng epekto sa Mang Kepweng Returns, ang comedy movie ni Vhong Navarro na may playdate sa January 4, 2017.

Kabilang ang Mang Kepweng Returns sa mga pelikula na naligwak sa MMFF 2016 dahil hindi nakapasa sa panlasa ng Selection Committee.

Baka magtampo na ang mga produ ng Mang Kepweng Returns kapag naapektuhan ang kanilang pelikula ng hinihiling na extension ng MMFF ExeCom. Hindi na nga nakasali sa walong official entries sa MMFF 2016 ang movie project nila, damay pa ito sa extension na hinihingi ng filmfest organizers.

Dindi dali-daling bumalik ng America, kapatid patay sa aksidente

Condolence kay Dindi Gallardo dahil sa pagpanaw ng kanyang younger brother na si Dino Gallardo noong December 27 sa San Francisco, California (December 28 sa Pilipinas ).

Namatay si Dino dahil sa isang aksidente kaya dali-daling nag-book si Dindi ng flight patungo sa San Francisco. Dahil fully booked ang karamihan sa mga flight, ngayong umaga lang nakalipad si Dindi sa Amerika.

Nakikiramay ako kay Dindi at sa mga naulila ng kanyang kapatid. Hindi pa tapos ang pagdadalamhati ng pamilya ni Dindi dahil sumakabilang-buhay noong October 2015 ang  kanyang panganay na kapa­tid na si Melissa.

Bluff ni Eugene babalik sa ere

Sure na pala talaga ang pagbabalik sa telebisyon ng Celebrity Bluff, ang popular game show ni Eugene Domingo sa GMA 7.

Pansamantala na nagpahinga ang Celebrity Bluff at napapanood muna si Eugene sa Dear Uge, ang Sunday afternoon come­dy anthology niya sa Kapuso Network.

Matutuwa ang fans ng Celebrity Bluff dahil balik-telebisyon ito sa Feb­ruary 2017. Mas pinaganda at  pinabongga raw ang game show ni Eugene na missed na missed na ng fans.

Mark at manager nagkaayos na

All’s well that ends well sa  pagitan ng young actor na si Mark Neumann at ng kanyang manager.

Ang sey ng source ko, nag-uusap na uli ang dala­wa na nagkaroon ng lamat ang magandang relasyon dahil sa mga tsismis na girlfriend ni Mark si Ange­lica Jane Yap aka Pastillas Girl.

Pamangkin si Mark sa tunay na buhay ng ma­nager niya kaya imposible na maging forever ang tampuhan nila.

May mga sighting na magkasama sina Mark at Pastillas Girl pero wala silang inaamin sa tunay na status ng relasyon nila.

vuukle comment

MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with