^

Pang Movies

Acting ni Aga kinakalawang!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Acting ni Aga kinakalawang!
Aga Muhlach

Natapos na rin ang Pinoy Boyband Superstars, at maganda naman ang naging resulta. Hindi rin namin masyadong nasundan ang show na iyan pero maganda ang feedback na nari­rinig namin. Mukhang may nakuha naman silang mga participant na nakatawag ng pansin ng publiko. May mga nabasa rin kaming sentimyento ng ibang natalo, pero ganoon talaga ang contest.

Ang contest na iyan ang siyang naging come back sa telebisyon ni Aga Muhlach matapos ang pa­mamahinga ng tatlong taon. Ano naman kaya ang susunod na project na ipagagawa nila kay Aga?

Isang bagay ang napatunayan sa show na iyan, napakalakas pa rin ng batak sa publiko ni Aga. Kaila­ ngan lang siguro na mabigyan siya ng isang tamang project. Noon pa mang una, marami na kaming na­ririnig na sinasabing projects na ipagagawa nila kay Aga. Ngayon kaya ano ang susunod na gagawin niya? Magkakaroon ba siya ng bagong TV show, o gagawin na naman siyang judge ng isa pang contest?

Parang ganyan din kasi ang nangyari noon nang mag-come back si Sharon Cuneta. Ang daming napag-usapang projects noong inila-launch pa lang siya bilang isa sa mga coach sa The Voice Kids. Pero ang isang contest ay nasundan ng isa pa, at hanggang ngayon wala pa siyang ibang project na gagawin. Kaya nga siguro pinasukan nila ang isang concert na nasabayan naman ng heavy traffic.

Palagay namin, dahil sa nabuhay na following ni Aga sa telebisyon, dapat samantalahin na ng network na ilagay siya sa isang bagong show na kung saan mailalabas naman niya ang kanyang forte which is acting. Bagama’t totoo rin na malakas ang personality ni Aga. Nag-host din siya ng sarili niyang TV show noong araw sa IBC 13, pero sa katagalan mas nagustuhan siya ng publiko bilang isang actor at sa palagay namin iyon ang dapat ipagawa sa kanya.

Hindi naman namin pinangu­ngu­nahan ang network, sinasabi lang namin, sana huwag namang ma­sayang ang renewed following ni Aga.

Sarah Lahbati nakatikim ng cover sa international magazine

Natuwa naman kami nang madaanan namin sa isang book shop ang isang international magazine at napansin naming ang nasa cover pala ay si Sarah Lahbati. Noong araw, halos walang Pinoy na nakasisingit sa cover ng mga international magazines. Kaya nga noon malaking pista nang malagay sa mga pages ng Playboy si Tetchie Agbayani. Pero ngayon napapansin na nila ang Filipina beauty. Ilan na nga ba ang ating Miss Universe? Ilan na ang Miss International? At mayroon na rin tayong Miss World.

Pero iyang si Sarah, maganda na sana ang simula niyan eh, kung hindi lang nagkaroon ng controversy noon sa kanyang dating network. Lalong naipit ang kanyang career. Pero kung iisipin, napakaganda ng batang iyan, mahusay din naman ang projection. Bukod sa nakakaarte siya, lately ay napapansin din ang husay niya bilang performer. Magaling siyang sumayaw. Pero mapupuna mo, mahina ang public support kay Sarah.

Ano nga kaya ang kulang? Maganda naman siya at mahusay, bakit kakaunti ang kanyang fans?

Baguhang aktor minumulto na agad ng mga dating raket

Kawawa naman ang isang male showbiz newcomer. Ngayon lang siya nakakapasok sa mainstream matapos na ma-reject ng maraming beses, lumalabas pa ang kanyang dark past sa mga bikini contest at sa kung anu-anong “sideline” na complete with pictures pa.

Bigyan naman natin ng chance ang taong gustong baguhin ang takbo ng kanyang buhay.

vuukle comment

AGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with