^

Pang Movies

Pastillas Girl at Mark Neumann wala sa hitsura ang relasyon!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakita na magkasama noong Miyerkules sa opening ng dance studio ni Ella Cruz sina Mark Neumann at Angelica Yap aka Pastillas Girl.

Ang sabi ng mga eyewitness, walang kakaiba sa mga ikinikilos nina Mark at Angelica kaya walang mag-iisip na may relasyon sila.

Si Angelica ang suspect sa pag-alis ni Mark sa poder ng manager nito pero nag-deny na siya. Siguradung-sigurado ang dalaga na hindi siya ang dahilan ng pag-aalsa balutan ni Mark.

Reporter na si Raffy Tima nagngit­ngit sa ginawa ni Digong sa asawa

Naiintindihan ko ang pinagmulan ng ngit­ngit ni Raffy Tima, ang asawa ng GMA 7 news reporter na si Mariz Umali.

Bilang isang responsible husband, natural na maim­byerna si Raffy sa pagsipol ni President-elect Rodrigo Duterte sa kanyang misis.

Sa totoo lang, lalong nadagdagan ang respeto ko kay Raffy nang mabasa ko ang kanyang sentimyento tungkol sa ginawa ni Papa Rody sa misis niya.

Kung lalake ako at may sumipol din sa asawa ko, gagawin ko rin ang ginawa ni Raffy at bilang impulsive ako, baka kung ano pa ang eksena na magawa ko.

Pero nag-emote man si Raffy, lumitaw pa rin ang pagiging edukado at disente niya. Hindi lahat ng Pinoy, lalo na ang mga senior citizen, eh may Facebook account kaya may-I-share ko sa inyo ang well-written statement ni Raffy tungkol sa insi­dente:

“Catcalling my wife is wrong in so many levels.

I expected that from a Mayor Duterte. I know his reputation well enough not to be shocked by it, but that does not make it right.

“For someone who espouses leadership by example, catcalling anyone in a press conference with all cameras trained on him defies logic. Then again, thats Mayor Duterte. 

“What appalled me even more was how some people in the room reacted. Most laughed, others made teasing noise and basically urged the mayor to dish some more! And he did. I do hope none of them were journalists because if they were, shame on them. 

“When you see or hear anyone say something wrong you do not encourage it, you do the opposite. Or in that particular instance at least, they should have kept quite and in their silence gave the message that what the mayor did was wrong. 
“Some jokes are funny and should be laughed at... but disrespecting women is definitely not one of them.”

Duterte hinihintay kung magso-sorry sa reporter na sinipulan

Sinabi ni Mariz Umali sa isang interbyu na hindi pa siya nakakatanggap ng paumanhin mula sa kampo ni Papa Rody pero hindi naman siya umaasa.

Pinagpipistahan ang balita, nakisawsaw na ang marami kaya sure ako na nakarating na ito sa kaalaman ni Papa Rody. Hintayin na lang natin ang mga susunod na kabanata pero kung hihingi si Papa Rody ng paumanhin dahil sa kanyang ginawa, sigurado ako na marami ang matutuwa at hahanga sa pagpapakumbaba niya.

At kung sakaling mag-sorry si Papa Rody, dapat mahiya sa sarili ang mga nagkunsinti sa pagbibiro niya, ang mga tao na nagtawanan nang sumipol at kumanta siya sa presscon.

vuukle comment

FLORIDA

GOLF COURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with