^

Pang Movies

Pia hindi na pwedeng rumampa mag-isa, mga Amerikanong pulis forever nakabuntot

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga police escort si Miss Universe Pia Wurtzbach sa lahat ng appointments na pinupuntahan niya sa Metro Manila.

Ngayon ang kasal nina Pauleen Luna at Vic Sotto sa Muntinlupa City at dadalo si Pia.

Hindi ako sure kung sasamahan pa si Pia ng kanyang mga police escort sa pagpunta niya sa Vic-Pauleen wedding dahil personal na lakad ito.

Mula nang maging Miss Universe si Pia, nawalan na siya ng privacy dahil hindi na puwedeng rumampa na mag-isa ang Pinay beauty queen. Kahit saan siya magpunta, sa New York man o Maynila, nakabuntot sa kanya ang American bodyguards niya.

Mga dating beauty queen, inisnab ang grand homecoming ng Miss U?!

Wondering ang mga baklita dahil inisnab ng ibang mga beauty queen ang Miss Universe Homecoming tribute kay Pia Wurtzbach.

Hinanap ng mga baklita si MJ Lastimosa na nagsalin kay Pia ng Bb. Pilipinas-Universe crown noong May 2015.

Wala rin sina Joanne Quintas, Charlene Gon­zales, Dindi Gallardo at Aileen Damiles, ilan sa mga Bb. Pilipinas-Universe title-holder na naging mga artista at siyempre, na-miss ng lahat si Gloria Diaz, ang kauna-unahang Pilipina na nag-win sa Miss Universe!

Baka naman busy ang mga ex-beauty queen na hinahanap ng mga baklita kaya ang mga not-so busy former beauty queen ang nagkaroon ng panahon  na umapir sa Araneta Coliseum para parangalan si Pia.

Sa rami ng mga beauty queen ng Bb. Pilipinas, mahirap sila na ipunin at pagsama-samahin sa isang okasyon.

Pagiging Heneral ni John, mahirap pantayan

Kumbinsido ako na malaki ang kinalaman ng box office success ng Heneral Luna kaya naging cast member ng That’s My Amboy ang character actor na si John Arcilla.

Malaki ang dapat ipagpasalamat ni John sa Heneral Luna dahil napansin siya ng mga movie at television producer.

To be fair kay John, may ibubuga naman talaga siya sa pag-arte at dumating sa ta­mang panahon ang Heneral Luna kaya kinikilala na ngayon ang kanyang  pagiging mahusay na aktor.

Si John ang iilan sa mga character actor na nagbida sa pelikula na pinilahan sa takil­ya at kumita ng daan-daang milyong piso. Mahirap nang mapantayan ang record na ginawa ni John.

Mga bagong show ng TV5, ang lakas ng dating!

Happy si Boss Vic del Rosario dahil maganda ang mga publicity para sa mga bagong project niya sa TV5, ang Tasya Fantasya, Born To Be A Star at Bakit Manipis Ang Ulap?

Nagkaroon ng awareness ang mga Pinoy tungkol sa mga bagong programa ng TV5 na magkakasunod na magsisimula sa February 2016 dahil sa rami ng mga publicity na hindi ma-achieve ng mga blogger na copy and paste ang drama.

Hindi sila nag-aaksaya ng effort na magtanong sa mga artista kapag may mga presscon dahil priority nila na magpakuha ng mga litrato bilang mga fan ang karamihan sa kanila.

Christian parang si Jose Mari Chan, may market pa rin sa Indonesia

Relevant pa rin sa Indonesia si Christian Bautista dahil magkakaroon siya ng Valentine show sa Alila Hotel Solo.

Hindi nawawala ang paghanga kay Christian ng mga Indonesian na parang kababayan ang trato sa kanya.

Bukod kay Christian, all-time favorite ng Indonesians si Jose Mari Chan dahil hanggang ngayon, pinapatugtog sa mga radio station sa Indonesia ang mga kanta ng veteran singer.

Ang positive comments ng Indonesians sa social media accounts ni Christian ang pruweba na popular pa rin siya sa Indonesia dahil excited na sila na mapanood ang Valentine concert ng Pinoy singer.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

DAHIL

HENERAL LUNA

JOSE MARI CHAN

LEFT

MGA

MISS UNIVERSE

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with