^

Pang Movies

Socialite model/TV host ikakasal na sa Europe sa sobrang yamang BF!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mauuwi na pala sa kasalan ang relasyon ng isang socialite model/TV host sa mayamang boyfriend niya na based sa isang Asian country.

Balitang somewhere in Europe ikakasal ang dalawa by April.

Nakilala sa showbiz ang socialite model/TV host dahil naging boyfriend niya ang isang sikat na aktor bukod sa pamangkin siya ng isang actress and former beauty queen.

Nakarelasyon din ng socialite model/TV host ang apo ng isang kilalang yumaong politician at marami nga ang nag-akala noong magkarelasyon sila na mauuwi ang lahat sa kasalan, pero marami nga ang nabigla dahil nag-split sila.

Ngayon nga, sobrang in love raw ang socialite model/TV host sa bagong karelasyon, kaya naisipan nilang magpakasal na by April.

Marami nga raw sa mga kaibigan ng socialite model/TV host ang pupunta sa kasalang ‘yun.

Teka! Invited ba sa kasal ng socialite model/TV host ang isang model/TV host na balitang nakaaway niya nang makasama sa isang international reality TV series?

Well…

Arci Muñoz ita-try kay Gerald

Suwerte talaga si Arci Muñoz nang magdesisyon siyang lumipat sa ABS-CBN, huh!

Ang haba na ng itinatakbo on air ng Pasion de Amor na napapanood bago mag-TV Patrol at bidang-bida siya roon and the latest I heard, ipapareha raw siya ng Star Cinema kay Gerald Anderson!

Sa GMA 7 nagsimula si Arci sa pamamagitan ng StarStruck at lumipat siya sa TV5 hanggang mapunta siya sa Kapamilya network.

Hindi maikakailang mas nangningning talaga si Arci sa Dos!

Landian nina Miguel at Bianca patok  

In fairness, maganda ang feedback sa Wish I May pilot telecast noong Lunes.

Natuwa nga raw ang GMA 7 big bosses sa pilot telecast ng afternoon series na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Ang Doble Kara ni Julia Montes ang talagang katapat ng Wish I May, pero inabutan pa rin nito ang dulong bahagi ng It’s Showtime noong mag-pilot telecast sila last Monday.

vuukle comment

ANG

ANG DOBLE KARA

ARCI

ARCI MU

ATILDE

BIANCA UMALI

GERALD ANDERSON

HOST

ISANG

JULIA MONTES

WISH I MAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with