^

Pang Movies

Vice mapatunayan kaya ang pagiging unkabogable?! AlDub Nation excited sa announcement ng MMDA!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Excited na ang AlDub Nation sa magiging announcement bukas ng MMDA na namamahala sa Metro Manila Film Festival 2015.

Bukas daw kasi ihahayag ang official grosses ng bawat pelikulang kasali sa MMFF 2015.

Malaking intriga kasi ngayon ang pagki-claim daw ni Vice Ganda na ang pelikula nila ni Coco Martin na Beauty and the Bestie ang nangunguna na sa ta­kilya sa walong pelikulang kasali sa MMFF 2015.

Sabi-sabi, hindi lang naman daw si Vice ang nagsasabing number one na sila kundi pati ang ibang producers na may entry rin sa nasabing filmfest.

Ang hindi nga lang daw maganda, inunahan ni Vice ang MMDA at MMFF 2015 committee sa pag-a-announce ng tungkol doon.

Anyway, bukas na nga magkakaalam kung talagang tinalbugan ba ni Vice (pati ni Coco) sina Alden Richard at Maine Mendoza (yes, kahit sina Vic Sotto at AiAi delas Alas ang mga bida sa My Bebe Love, ang AlDub pa rin naman daw ang nagdala sa pelikula) sa takilya!

Marya at Bistek, effective sa trailer

Ang magandang feedback sa Lumayo Ka Nga Sa Akin na trilogy movie ng Viva Entertainment.

In fairness, nakakatawa talaga ang trailer ng pelikulang ‘yon, lalo na ang episode nina Maricel Soriano at (Mayor) Herbert Bautista na horror-comedy.

Marami na ring proyektong pinagsamahan noon sina Marya at Bistek at wala naman sigurong kokontra na effective silang magkasama sa isang project, ‘noh?!

Inaasahan din na after Beauty and the Bestie (na co-production nila with Star Cinema), ang Lumayo Ka Nga Sa Akin ang next hit ng film outfit ni Boss Vic del Rosario!

Sila na? Arjo at Jane, nagliliwaliw sa Dubai!

Ang bakasyon ni Arjo Atayde sa Dubai, United Arab Emirates kamakailan. Kasama ni Arjo sa Dubai ang kanyang pamilya, pero nakasama rin niya  si Jane Oneiza.

Sabi ng fans nina Arjo at Jane, bagay raw pala sila. Isinusulong nga ng fans nila na pagtambalin naman sila ng ABS-CBN sa isang proyekto.

Samantala, maganda ang feedback sa akting ni Arjo sa first episode noong Saturday ng MMK (Maalaala Mo Kaya).

Martin walang angal kahit ngarag sa taping

Ang inuumagang taping ng Buena Familia ng GMA 7 dahil sa paghahabol ng mga eksenang ipapalabas din the same day.

Kahit puyat-puyatan, hindi naman nagrereklamo ang mga artistang kasama sa nasabing afternoon series ng Kapuso network.

Sa isang picture nga na pinost ni Martin del Rosario sa kanyang Instagram account, kahit 6:30 a.m. na ay pare-pareho pa silang nakangiti ng ibang cast ng Buena Familia kahit puyat-puyatan na sila.

vuukle comment

ALDEN RICHARD

ANG

ARJO

ARJO ATAYDE

BEAUTY AND THE BESTIE

BISTEK

BOSS VIC

BUENA FAMILIA

COCO MARTIN

DUBAI

LUMAYO KA NGA SA AKIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with