^

Pang Movies

Ninja moves sa Miss U Pia dinidiskartehan na ni Atom Araullo?!

Jun Nardo - Pang-masa

Viral ang palitan ng messages ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach at news reporter na si Atom Araullo.

May quote pa si Atom na, “Hindi naman ako seloso.”

Ayon sa mga reports, single si Pia.

Eh kung type siya ni Atom, puwede rin naman niyang patusin ang binata dahil guwapo, matalino at may breeding pa.

Sa ngayon nga lang, hindi masosolo ni Atom si Pia dahil ninanamnam pa ng ating kababayan ang pagiging Miss Universe, huh! Pinagkakaguluhan siya sa Amerika ngayon.

‘Yun nga lang, mami-miss ni Pia ang kasal ng kaibigang si Pauleen Luna bago matapos ang buwan. Isa si Poleng na humingi ng tulong sa AlDub Nation upang iboto at i-tweet siya nu’ng pageant.

Herbert pinilit lang ni Maricel maging asawa

Pinilit daw ni Maricel Soriano si Herbert Bautista na tanggapin ang role bilang asawa niya sa episode nila na Shake, Shaker at Shakest sa trilogy na Lumayo Ka Nga Sa Akin ng Viva Films.

Eh, nu’ng bata-bata kasi silang dalawa, Ate Maricel ang tawag ni Bistek sa Diamond Star. Ngayon, mag-asawa sila, huh!

“Pero masaya, masaya naman kami sa set! Swak na talaga kami dahil Ate-ate niya ako,” saad ni Maricel sa presscon ng movie.

Horror ang tema ng episode nina Maricel at Herbert na dinirek ni Andoy Ranay. Bibigyang-buhay nilang muli sa pamamagitan ng spoofs ang mga nakakatakot na eksenang madalas na mapanood natin sa nakakatakot na pelikula.

Sa dalawang episodes, spoof naman ang action scenes ang makikita sa istorya nina Benjie Paras at Candy Pa­ngilinan. Sa hitsura ni Benjie, FPJ na FPJ ang dating niya, huh!

Nagbabalik naman ang seksing mommy na si Cristine Reyes sa episode na Asawa ni Marie.

Spoof naman ito ng mga eksena sa telenovelas kaya riot ang dating ng sampalan nina Cristine at Antoinette Taus, huh!

Pops handa nang humakot ng blessing ngayong 2016

First time tutuntong si Aiza Seguerra sa TV5 Network. Isa siya sa judges ng singing search na Born To Be A Star na produced ng Viva Communication.

Matapos kasing umalis sa network, nagbalik siya sa Eat Bulaga at heto ngayon, binigyan naman siya ng chance makapagtrabaho sa Kapatid Network.

Ang isa pang resurrected sa TV ay si Pops Fernandez na isa rin sa judges ng programang ihu-host ni Ogie Alcasid.

“I’ve always believed and I think I post this just yesterday, I’m always grateful for all the blessings that come my way.  Sometimes kasi, ‘yung feeling natin na parang, ‘Okey.’ But I think when that happens, there’s a bigger blessing that come our way.

“Tama kayong lahat. It’s a new year and new things are gonna happen. Let us all welcome the blessings that’s gonna happen and believe that this will happen in 2016!” pahayag ni Pops sa presscon ng movie.

Ang ilan pa sa judges ay sina Andrew E at Rico Blanco habang sina Mark Bautista at Yassi Pressman ang co-hosts ni Ogie.

vuukle comment

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ANDOY RANAY

ANDREW E

ANG

ANTOINETTE TAUS

ATE MARICEL

ATOM ARAULLO

BENJIE PARAS

MARICEL

MISS UNIVERSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with