^

Pang Movies

Sharon dedma sa career

Jun Nardo - Pang-masa

Ipinaramdam ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films ang pagmamahal sa brainchild niyang TV project sa TV5 na Born To Be A Star nang pumas­yal siya sa presscon nito sa Music Hall sa Metrowalk kahapon, Lunes.

Walong programa kasi ang nakatakdang i-produce ni Boss Vic para sa Kapatid Network at bukod sa singing search show na ihu-host ni Ogie Alcasid, nasa pre-production stage na ang bagong TV version ng Panday ni Richard Gutierrez at ang Tasya Fantasya.

Siyempre, ibinalita ng Viva boss na magbi-birthday na si Sharon Cuneta sa January 6.

Ito na ang 50th birthday ng Mega­star at alam naman ng lahat na malaki ang tulong ni Boss Vic sa career path ni Shawie.

Biniro nga namin si Boss Vic na sana ay i-manage niya uli si Sharon. Nangiti lang siya sa komento namin.

“Iba na rin kasi ang priorities niya,” saad ng Viva boss.

Siyempre, aside from TV5, focus pa rin si Boss Vic sa pelikula.

First offering for 2016 ng kumpanya na Lumayo Nga Ka Sa Akin na pinangu­nguna­han nina Ma­ricel Soriano at Herbert Bautista bilang mga bida at ang Wanted: Girlfriend For Hire nina Andre Paras at Yassi Pressman.

Ogie nacha-challenge sa bagong trabaho sa TV5

Deny to death si Ogie Alcasid na may sama siya ng loob sa management ng TV5 dahil sa major revamp na nangyari last year sa entertainment prog­rams.

Lumutang kasi muli ang singer-songwriter sa presscon ng una niyang hosting show sa TV5 na Born To Be A Star na produced ng Viva Entertainment.

“Isa lang ang madi-describe ko sa pangyayaring ito bukod sa #blessing. May synergy siya eh. Di ba, ‘yung expertise ng Viva na alam natin na nag-create ng stars tulad ni Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Sarah Geronimo.

“So we’re looking for that next star. Kung sinuman ‘yon, we’re all hoping that it will come from this show. Kasi it’s a challenge eh. Ang dami-raming singing contests eh.

“So what makes this show different, that’s the challenge! And I’m so happy, I’ll go back to the synergy. Viva’s expertise and of course, TV5. I’m also happy to work with these people on the stage. Hindi lang kung sinuman ang mga ito. Bigatin ito,” pahayag ni Ogie.

Magsisilbing co-hosts ni Ogie sina Mark Bautista at Yassi Pressman habang lalabas namang judges sina Pops Fernandez, Rico Blanco, Andrew E at Aiza Seguerra mula sa direksyon ni Monti Parungao.

Habang ang All You Need… flop sa takilya Haunted Mansion tubong lugaw sa tulong ng print media

Mabagsik pa rin ang po­wer ng print media na nababalewala na minsan dahil sa presence ng bloggers ngayon at social media.

Magandang halimbawa itong panalo sa takilya ng Regal filmfest entry na Haunted Mansion.

Sa publicity na isinagawa ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde, binigyang-halaga rin nila ang showbiz press sa pocket presscons na ginawa nila.

Mas marami rin silang inimbitahang print media sa general presscon ng movie.

Look, ang HM ang winner na winner sa takilya pagdating sa expenses ng movie. Hindi kalakihang artista ang mga bidang sina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce and yet, tubong-lugaw ang Regal sa kasalukuyang kinikita ng horror movie.

Eh, look what happened sa All You Need Is Pag-ibig? Semplang sa takilya dahil masyado ang tiwala nila sa bloggers at social media.

Hindi nila binigyang-halaga na bukod sa dyar­yong sinusulatan, may social media rin ang karamihan sa showbiz media.

Marunong din silang mag-share, mag-tag ng pictures at kopya ng naisulat nila!

Sa totoo lang, may market/readers na rin ang karamihan sa showbiz writers.

So may multiplier effect ang sinulat nila once ibahagi nila ito sa social media, huh!

Sa showbiz naman, everybody’s welcome pati na rin sa tinatawag na bahagi ng social media.  But give credit where credit is due naman!

‘Yan ang pinagkaiba ng mag-inang Lily at Roselle sa ibang film producers, huh!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BORN TO BE A STAR

BOSS VIC

HAUNTED MANSION

MEDIA

OGIE

OGIE ALCASID

RIN

SHARON CUNETA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with