^

Pang Movies

Beauty… at My Bebe…, pinagkaguluhan sa unang araw

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon, Dec. 25 ay nagbukas na ang walong pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival and as we write, base sa nakikita naming posts sa Instagram and Facebook, humahataw sa takilya ang Beauty and the Bestie na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Coco Martin at JaDine (James Reid & Nadine Lustre) loveteam at ang My Bebe Love nina Vic Sotto, Ai-ai delas Alas at AlDub (Alden Richards & Yaya Dub).

Katakut-takot na post ang nakikita namin ng mga larawan ng mahabang pila para sa Beuty and the Bestie.

 ‘Yung isang post na nakita namin mula sa isang netizen, say niya, “This the line from 3rd floor of SM Ilo-ilo for Beauty and the Bestie movie. We are here since 10am, until now we are still on the line”. Bandang 2 p.m. ‘yung post niya.

Ang haba rin ng pila sa SM Cebu base sa picture na napost, gayundin sa SM Bacolod, Trinoma, SM Batangas at nag-sold-out pa raw sa Rockwell ng bandang 2pm.

Sa My Bebe Love naman, ang mahabang pila sa Trinoma ang nakita naming naka-post. Wala pa ka­ming bali­ta sa ibang pelikula since first day pa lang kahapon pero base sa mga nakita namin, mahigpit na maglalaban sa no.1 slot ang My Bebe Love at Beauty and the Bestie.

Sen. Grace sinorpresa sa concert ng Hotdog

Sa gitna ng pagkilos ng mga kalaban niya sa pulitika upang maitsapwera siya sa halalan, kalmado pa rin si Sen. Grace Poe at nakisaya pa sila ng asawang si Neil sa concert ng Hotdog sa PICC kamakailan.

Sinorpresa pa si Grace ng kanta ng magkapatid na Rene at Dennis Garcia na labis na ikinatuwa ng anak ni Da King Fernando Poe Jr. at Ms. Susan Roces.

Sa saliw ng awiting You and I, inawit ni Roy Rico Pangilinan na mala-FPJ ang naturang kanta na may pamagat na Ikaw ang Bida, Ako ang Extra, sa Teleserye Nating Dalawa.

Anang senadora, ang mga aral daw ng kaniyang ama ang nagpapalakas ng loob niya sa pagharap ng mga panggigipit na ginagawa sa kaniya ng mga kalaban sa pulitika.

“Sa ating pinagdara­a­nan ngayon, naalala ko ang turo ng aking ama: Huwag kang susuko kapag ang pinaglalaban mo ay tama. Huwag kang susuko kapag ang pinaglalaban mo ay prinsipyo,” sabi ni Grace.

“Higit sa lahat, huwag kang susuko kapag ang pinaglalaban mo ay para sa kapakanan ng kapwa at hindi para sa iyong sarili lamang,” dagdag pa ni Grace na tumatakbong pangulo katambal si Sen. Chiz Escudero.

Julia hoping na gumaling ang ama

Tanging hiling ni Kara (Julia Montes) ngayong Pasko ang tuluyang pag-galing ng kanyang amang si Antonio (Allen Dizon) matapos malagay sa peligro ang buhay nito sa Doble Kara.

Bagama’t nagkaroon na ng malay, kasalukuyan pa ring lumalaban para sa kanyang buhay si Antonio. Sa kabila din ng mga pangyayari, hindi pa rin tumitigil si Lucille (Carmina Villaroel) na ilayo ang kanyang asawa kina Kara at Sara at patuloy na sinisisi ang kambal sa kinahinatnan ni Antonio.

Jennylyn pa-humble, ayaw mag-expect na best actress

Kahit puring-puri ng mga nakapanood na ng MMFF entry na Walang Forever ang acting ni Jennylyn Mercado sa movie at iisa ang komento na pwede siyang magwagi ulit ng Best Actress, ayon kay Jen ay ayaw niyang mag-expect.

 “Sana, sana talaga. Ayokong mag-expect, pero sana. ‘Di ko po alam,” say ni Jen.

Ang laki rin ng chance na magwagi ang leading man niyang si Jericho Rosales for Best Actor. Mahigpit naman niyang makakalaban si John Lloyd Cruz for Honor Thy Father na isa rin sa 8 entries for MMFF.

Matatandaang nanalo rin si Jen last year for English Only Please.

Two in a row? Why not?

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ALLEN DIZON

ANG

BEAUTY AND THE BESTIE

LEFT

MGA

MY BEBE LOVE

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with