^

Pang Movies

Pelikula ni John Lloyd, nauna nang napanood ng mga foreigner

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natuwa kami nang una naming marinig na ka­sali na nga sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang Honor Thy Father.

Naniniwala kasi kaming dapat talaga na kasali ang pelikulang iyan. Una, matagal na ngang napag-uusapan, at sinasabi nilang maganda ang pagkakagawa ng pelikula.

Hindi namin alam kung ano ang naging consi­derations nila noong una at hindi nga nakasali iyon, pero nang hindi naman magawa ang isang pelikulang kasali sana, iyong Honor Thy Father na nga ang kanilang isinali.

Hindi naman siguro kailangang pagdudahan ang commercial viability, o box office appeal ng pelikulang iyan.

Alalahanin ninyong si John Lloyd Cruz ay isa sa ating mga established box office stars, at may panahong sunud-sunod man ang kanyang mga pelikula, lahat ng mga iyon ay kumikita naman. Kaya nga masasabi mo naman na for all reasons, dapat na kasali iyan sa festival.

Iyang pelikulang iyan ay inilabas nang una sa Toronto International Film Festival, at doon ay umani iyan ng papuri mula sa mga kritiko. Bale nauna pa nga sila sa atin na mapanood ang isang pelikulang gawa rito sa atin.

Heavy drama rin siya tungkol sa mag-asawa na na-trouble sa ilang mga kakilala na nakunan nila ng pera, at ang kanilang buhay sa isang relihiyong protestante. Iyong nabasa naming kuwento ng pelikulang iyan, masasabi naming talagang nangyayari sa ating panahon.

Marami tayong naririnig na ganyan. Marami tayong naririnig na mga taong nag-invest ng kanilang pinaghirapang pera, tapos ay natatakbuhan naman ng kanilang mga pinagtiwalaan.

Usually nangyayari iyan doon sa mga naghahangad ng kita maging sa mga investment na hindi sila sigurado. Siguro kung mapapanood ang pelikula, dahil well researched naman daw iyon, may matututunan din tayo, lalo na sa mga ganyang klase ng negosyo.

Mga sikat na loveteam, pinataob na ang mga Koreanovela

May isang valid observation na aming nari­nig mula sa isang kritiko. Ang sabi niya, iyong pag­­sikat daw ng mga bagong mga artista at mga love­teams, kagaya ng AlDub (Alden Richards-Maine Mendoza aka Yaya Dub) at ng JaDine ?(James Reid-Nadine Lustre), ay nakatulong nang ma­laki sa industriya, dahil nauso ulit ang mga ar­tistang Pilipino maging sa telebis­yon, at natakpan na ang mga Koreano.

May panahon kasing maging ang ating telebis­yon ay dominado na ng mga seryeng Koreano.

May dahilan naman. Nabibili nila ang mga ser­yeng Koreano nang napakamura, makukuha nilang tapos na. Magbabayad na lang sila sa dubbers, na maliit lang naman. Tapos ipalalabas na nila sa telebisyon at kikita sila nang malaki. Mas malaki pa ang kikitain kung iisiping napakaliit ng puhunan.

Nakita naman nila kung ano lang ang sikreto. Iyong kuwento halos pareho lang naman eh, pero ang mga artistang lalaki at babae ay talagang may hitsura. Noong makakuha sila ng mga Pinoy na may hitsura rin naman, tumaob na ang mga dayuhan.

Ang advantage ng artista at mga teknikong Pinoy, oras na maganda ang ratings, maaari nilang pahabain ang serye. Kung hindi naman maganda, maaari nilang tapusin agad ang kuwento. Hindi nila magagawa iyan kung ang inilalabas nila ay mga dramang Koreano.

Kahit na ano pa ang ratings niyan, hindi na nila madudugtungan ang kuwento dahil tapos na eh.

At ngayong tinatalo na nga ng mga artistang Pilipino ang kanilang popularidad, eh ‘di nawawala na sila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

HONOR THY FATHER

IYAN

KOREANO

MGA

NAMAN

NILA

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with