^

Pang Movies

AiAi pinaiyak ni Vic!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“To spread good vibes” ang message ng movie na My Bebe Love #KiligPaMore, ayon kay Bossing Vic Sotto sa grand presscon ng movie nila na entry sa Metro Manila Film Festival simula sa December 25.

“Pangpamilya ang tema ng aming movie. Mara­ming makaka-relate sa aming story, mga magulang at mga anak nila, mga taong nakapaligid sa kanila,” sabi ni Bossing Vic.

Katambal ni Vic si AiAi delas Alas na best ka-love team daw para sa kanya at hindi niya pwedeng iwanan, na ikinaiyak ni AiAi.        

“Kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwanan. May special bond na kami, kahit na hindi kami madalas magkausap, naroon pa rin ang pagtitinginan namin.”

“Totoo iyan,” sabi ni AiAi.  “Never niya akong iniwanan, hindi niya ako inabandona, kahit noong nasa kabila ako.  Kaya ngayon, talagang todo ang suporta ko rito sa muling pagtatambal namin. Na­nanalig ako na ang pag-offer ko ng celibacy ko ngayon kay Mama Mary, pakikinggan niya.”

Maine tinalikuran na ang pagiging yaya

Nakumusta naman kay Vic si Maine Mendoza na katambal ni Alden Richards sa movie.  First movie ito ni Maine, at totoong acting na ito hindi tulad nang ginagawa nila sa kalyeserye sa Eat Bulaga.

“She’s natural.  Siyempre sa una ninenerbyos siya pero after lamang ng ilang takes, comfortable na siya, siguro dahil madalas niyang kaeksena si Alden na hindi naman nagpabaya na suportahan siya.  Sina Alden at Maine, ibang-iba sila rito sa movie kaysa daily kalye­serye nila.  Alam na nating mahusay na actor si Alden, pero with Maine here, she is not Yaya Dub, but Maine, the actress.”

Maraming nagsasabing sila ang magta-top grosser sa MMFF.

“Kung ipinipilit nila, tinatanggap namin,” biro ni Vic.  “Pero maganda ang feedbacks na dumarating sa amin.  Confident kami na we have a good movie, good actors, good director, a good vibes film.  At naniniwala rin kami na susuportahan ito ng AlDub Nation nina Alden at Maine.”

Nang tanungin si Vic kung sa kal­yeserye ay walang nagaganap na kissing scene, sa movie ba na gaganap na mag-sweetheart sina Alden at Yaya, may kissing scene na ginawa si Direk Joey Reyes na siya ring sumulat ng script with Bibeth Orteza?

“Iyon ang aabangan ninyo kapag pinanood na ninyo ang pelikula,”

Kasama rin sa cast si Valeen Montenegro at may special participation ang tatlong lolas ng kalyeserye, sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, at sina Joey de Leon, Ryzza Mae at ang buong Dabarkads.

Hindi na nakausap ng entertainment press sina Alden at Maine pagkatapos ng grand presscon dahil si Alden may show sa Casino Filipino Pavillion at si Maine naman ay may recording para sa bago nilang TV commercial ni Alden.

Muling makikita ng fans ang buong cast ng movie sa premiere showing ng movie sa December 21 kung saan gagamit sila ng two theatres ng SM Megamall.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

BIBETH ORTEZA

BOSSING VIC

CASINO FILIPINO PAVILLION

MAINE

MOVIE

NBSP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with