^

Pang Movies

Alden ayaw pag-usapan ang ‘girlfriend’!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pinagbigyan ng entertainment writers ang pakiusap ni Alden Richards sa presscon ng My Bebe Love na huwag nang pag-usapan ang mga tao na hindi kasali sa pelikula.

Maayos at magalang ang request ni Alden kaya hindi na nangulit ang mga reporter tungkol sa isyu na kinumpirma umano ng Sunday PinaSaya director na si Rich Ilustre na may relasyon ang aktor sa co-host nito na si Julie Anne San Jose na naging biktima uli ng bashing ng AlDub fans.

Hindi naman naniniwala si Alden na fans ng AlDub ang mga nag-ookray kay Julie Anne dahil hindi raw ganoon ang mga tagahanga nila ni Maine Mendoza.

Julie Anne nakakaawa na, ayaw tantanan ng selosong AlDub fans

Kawawa naman si Julie Anne na nananahimik pero hindi tinatantanan ng selosang fans nina Alden at Maine.

Hindi na nga nagsasalita si Julie Anne kapag tinatanong ito tungkol kay Alden dahil maganda man ang kanyang sabihin, binibigyan pa rin ng malisya ng over possessive fans.

Lalong lumabo ang posibilidad na bumalik ang closeness nina Alden at Julie Anne dahil inaaway ng fans ang lahat ng mga aktres, maliban kay Maine Mendoza, na nali-link sa kanilang iniidolo na aktor.

Maine hindi raw ligtas sa pagmamaldita!

Hindi naniniwala ang detractors ni Maine Mendoza na hindi niya nararamdaman ang pagi­ging sikat.

Ang sey ng haters ni Maine, sa ayaw at sa gusto ng mga artista, nagbabago ang ugali nila kapag nakatikim sila ng kasikatan, lalo na kung phenomenal tulad ng nararanasan ngayon ng AlDub loveteam.

Nag-iisa lamang daw si Boots Anson Roa kaya malabo raw na maging another Boots Anson si Yaya Dub. Ang haters talaga, ayaw magpaawat!

‘Thank you GMA!’

Walang umuwing luhaan sa bonggang Christmas Party for the Press ng GMA 7 dahil maraming nag-win sa raffle draw.

Hindi man ako nakadalo sa Christmas Party, ipinadala sa akin ng GMA Corp Comm ang souvenir items mula sa Kapuso Network na talagang pakikinabangan, in case of emergency. Thank you GMA 7!

Hustisya nakamit agad Cherry Pie dinalaw agad ang puntod ng inang pinatay ng durugista

Pagkatapos mahatulan kahapon ng life imprisonment ang pumatay sa kanyang ina, binisita agad ni Cherry Pie Picache ang puntod ng nanay niya.

Ikinatuwa ni Cherry Pie at ng pamilya nito ang hatol ng Quezon City Regional Trial Court kay Michael Flores na kapangalan ng isang aktor.

Hindi nagtagal ang paglilitis sa kaso dahil umamin si Michael sa krimen na ginawa niya.

Matatandaan na natagpuan na walang buhay si Mrs. Zenaida Sison sa bahay nito sa Quezon City noong September 2014.

Pagnanakaw ang motibo ni Michael na high sa droga nang patayin niya ang nanay ni Cherry Pie dahil nagising ito at nagsisigaw nang makita siya sa loob ng kuwarto ng biktima.

Francis Tolentino, may pasabog sa local film industry

Biglaan ang presscon kagabi para kay senatoriable at former MMDA Chair Francis Tolentino na may special announcement tungkol sa local movie industry.

Nakadalo ako sa presscon para kay Papa Francis dahil inabot din ng gabi ang taping namin para sa CelebriTV.

Dalawang episode ang binuno namin nina Papa Joey de Leon at AiAi delas Alas na magiging busy na sa promo ng My Bebe Love.

Nang matapos ang aming taping, tumakbo na ako sa Annabel’s Restaurant para sa presscon ni Papa Francis na may malasakit sa industriya ng pelikulang Pilipino. Matagal din na nagsilbi si Papa Francis bilang chairman ng Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

ALIGN

ANG

CHERRY PIE

CHRISTMAS PARTY

FRANCIS TOLENTINO

HINDI

JULIE ANNE

LEFT

PAPA FRANCIS

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with