^

Pang Movies

Gabby inalala ang mga panahong ikinulong sila ni Sharon sa iisang kwarto

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakakatuwa ang naging karanasan ng actor na si Gabby Concepcion noong interbyuhin siya sa prog­ramang Real Talk sa CNN.

Inabot talaga siya ng uhaw sa mga tanong, dahil karamihan ay tungkol sa mga chicks sa kanyang buhay.

Pulos mga babae ang anak ni Gabby at very happy siya. Kung ibibigay ni Lord, gusto raw sana niya ng isang anak na lalaki. Tiyak daw super spoiled ito sa kanya, nagbibiro niyang sabi.

Masaya si Gabby dahil maganda ang second chance niya sa kanyang pagbabalik-showbiz. Matagal din sa U.S. ang actor na bumalik sa ‘Pinas at talaga namang tinanggap muli ng kanyang mga tagahanga.

Tampok si Gabby sa Kapuso teleseryeng Because of You. Wala nang mahihiling pa si Gabby dahil ibinigay ni Lord ang mga kahilingan niya.

Sa kwentuhan, nabanggit ni Gabby ang tungkol sa love story nila ni Megastar Sharon Cuneta. Noong una raw silang magkita, hindi sila nagbabatian. Walang nga raw silang pansinan sa first picture nila ni Megastar, ang Hear Heart.

Hindi tuloy nakatiis si Direk Danny Zialcita, kinausap sila nito at sinabing paanong magkakaroon ng kilig ang mga eksena, kung hindi naman sila mag-uusap?

Pinapasok sila sa isang room at pinag-usap mabuti para mawala ang kanilang hiyaan.

At doon na nagsimula ang magandang love story sa showbiz.

Palibhasa pogi, mayaman, at sikat, maraming chicks ang na-link kay Gabby. Hindi naging maganda ang ending ng love story ng dalawa. Ang maganda at seksing si KC Concepcion, nagsilbing alaala ng dalawang nagmamahalan.

Nakakahanga si Gabby. Hindi siya nagbabago, maalaga sa katawan at may respeto makipag-usap. Mukha siyang artista talaga. Makakasama ni Gabby sina Carla Abellana at Rafael Rossel sa Because of You, gabi gabi sa GMA 7.

Mga kasamahan ni Vice, wala na raw ningning

Totoo bang si Vice Ganda lang ang matitira sakaling magkaroon ng bagong show na ipapalit sa It’s Showtime?

Naku, maraming mawawalan ng trabaho  kapag nagkataon.

May nag-suggest, dapat daw ay ibang komedyante at artista naman ang isama kay Vice sa bagong programa, para magklik. Kumbaga sa mga bituin sa langit na kasama ni Vice sa Showtime, ilan na lang ang kumukuti-kutitap sa ningning.

Naghahanap ng bago ang mga tagahanga. Saka sana ibang joke naman, ‘yung walang laitan!

vuukle comment

ANG

BECAUSE OF YOU

CARLA ABELLANA

DIREK DANNY ZIALCITA

GABBY

GABBY CONCEPCION

HEAR HEART

MEGASTAR SHARON CUNETA

MGA

RAFAEL ROSSEL

REAL TALK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with