^

Pang Movies

Marian emosyonal sa pamamahinga

Jun Nardo - Pang-masa

Goodbye Sunday PinaSaya na si Marian Ri­vera. Pero ‘wag mag-alala ang fans niya dahil pansamantala lang naman ‘yun.

Pagkapanganak na niya kay Baby Maria Letizia, pasasaan ba’t babalik siyang muli sa GMA 7 comedy variety show.

Mangiyak-ngiyak si YanYan nang magpaalam kahapon sa SP. Gustuhin man niyang manatili pa sa show dahil sa masayang  mga kasama, kailangan din niyang ihanda ang sarili sa panganganak sa mga susunod na araw.

Payo nga sa kanya ni AiAi delas Alas, “Being a mother is the most noble profession. Kaya i-enjoy mo ‘yan, Kambal!”

Ayon naman kay Marian, may papalit sa kanya bilang si Judge MD sa Sunday Pinasaya.

Kesa sa teen actor Charice ‘di hamak na mas hawig si Arnel Pineda

‘Di hamak na mas hawig ni Charice Pempengco si Arnel Pineda kesa sa isang teen actor, huh!  Siguro dahil sa halos pareho sila ng height!

Lumantad kahapon si Charice sa Sunday PinaSaya.

Hanep nga ang performance niya. Then, may short interview siya kay Alden Richards bilang DJ Bae. Nag-trivia si Alden/DJ Bae na dahil kapwa sila taga-Laguna, nagsabay daw sila ng sinakyang school service nu’ng bata pa sila.

Binisto rin ni DJ Bae na fan daw ng AlDub si Charice. Sey ng singer, “Huwag mo namang ibuko! Ha! Ha! Ha!”

Pero nang hilingan si Charice na mag-Pabebe wave, aba, sumunod naman siya, huh!

Wait na lang natin kung mabibigyan ng memo si Charice gaya ni Arnel Pineda na nang mag-Pabebe Wave sa isang Kapamilya show, memo ang agad niyang natanggap! He! He! He!

Pagkatapos makipag-sweet sweetan kay Annabelle Ruffa umiskapo papuntang Palawan kasama ang dyowa

Mautak din talaga si Ruffa Gutierrez. Aba, matapos niyang makipag-chummy-chummy sa inang si Annabelle Rama nitong nakaraang birthday ng huli, kinabukasan, fly agad siya sa Palawan kasama ang boyfriend na si Jordan Mouyal, huh!

Eh, wala kasi sa birthday party ng ina ang boyfriend kaya good shot si Rufing sa ina. Ewan lang kung knows ni Tita A na bibiyahe silang magdyowa the next day.

Paradise nga ang lugar na pinagsamahan nila ni Jordan ayon sa Instagram ni Ruffa. Saksi ang tubig sa dagat at tahimik na paraiso sa kanilang pagsasama.

Looks like quiet na naman si Tita A sa boyfriend ni Ruffa. Wala kaming naririnig na parunggit sa binata at sa anak.

But knowing Tita Annabelle, one day, sasabog na naman ang sentimiyento sa anak at kay Jordan, huh!

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANNABELLE RAMA

ANNABELLE RUFFA

ARNEL PINEDA

BABY MARIA LETIZIA

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

GOODBYE SUNDAY

TITA A

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with