^

Pang Movies

Edu mas pinili ni Grace!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Bukas ang announcement ng political party na aaniban ni Edu Manzano na kakandidatong senador sa 2016 pero nag-emote na agad kahapon si Senator Ping Lacson.

Ang sey ni Papa Ping, out na siya sa partido nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero dahil ipinalit na sa kanya si Papa Edu.

Sinabi ni Papa Ping na nakatanggap siya ng phone call mula kay Mama Grace noong Friday para iparating sa kanya na si Papa Edu ang replacement niya sa senatorial slate ng alyansang Poe at Escudero.

Malalaman natin ang sagot ni Papa Edu sa ibinulgar ni Papa Ping na nag-dialogue na si Mar Roxas ang kanyang susuportahan sa pagkapangulo.

Sa totoo lang, walang kinalaman si Papa Edu sa isyu dahil sina Papa Ping at Mama Grace naman ang nag-usap.

Malalaman natin ang buong kuwento dahil tiyak na uusisain si Mama Grace ng mga miyembro ng media na pupunta bukas sa Club Filipino para sa announcement nila ni Papa Chiz tungkol sa kanilang complete senatorial line up.

Tamang panahon sa ‘pagganti’ kay Vhong Deniece nakikisawsaw daw at kumukuha ng simpatya sa AlDub Nation

Nakisakay na rin si Deniece Cornejo sa kasikatan ng kalyeserye ng Eat Bulaga na tumalo sa It’s Showtime.

Hindi surprising na sinusuportahan ni Deniece ang Eat Bulaga dahil imbyerna siya sa It’s Showtime bilang co-host nito si Vhong Navarro.

Talagang nag-emote si Deniece sa kanyang Facebook account ng “I hope this will serve as a lesson. Don’t do unto others what you don’t want others to do unto you “ na nilagyan niya ng hashtag TamangPanahon.

O di ba, talagang nakahanap ng tamang panahon si Deniece para patutsadahan ang mga host ng It’s Showtime? Para-paraan lang talaga ‘ha?

Ang nakakaloka, nag-boomerang kay Deniece ang emote nito dahil todo-todo ang batikos sa kanya ng mga tao na hindi agree sa opinyon niya.

Pinagbintangan si Deniece na nakikisawsaw sa kasikatan ng AlDub at hoping na makuha niya ang simpatiya ng madlang-bayan.

AiAi ayaw na sa mga nega!

Nag-pictorial noong Lunes sa isang studio sa Quezon City ang lead stars ng My Bebe Love, sina AiAi Delas Alas, Vic Sotto, Alden Richards at Maine Mendoza.

Masaya ang pictorial dahil good vibes ang lahat. Hindi na nailang sa isa’t isa sina Maine at Alden dahil mala­king tulong ang pagtatagpo nila sa Philippine Arena noong Sabado.

Tuluy-tuloy na ang shooting ng My Bebe Love dahil puwede nang kunan ni Joey Reyes ang mga eksena nina Alden at Maine na magkasama.

May shooting kahapon sa Antipolo City si AiAi na exci­ted na excited na para sa 2015 Metro Manila Film Festival. Feel na feel ni AiAi na magiging mainit ang pagtanggap ng publiko sa My Bebe Love.

Si AiAi ang reyna ng MMFF pero dalawang taon siya na hindi nagkaroon ng filmfest entry dahil biktima siya ng… Ay, my lips are sealed.

Bahala na kayong mag-imbestiga sa tunay na dahilan kaya nawalan si AiAi ng mga filmfest entry noong 2013 at 2014.

Kayo na ang mag-research kung sino ang naging kontrabida sa buhay niya dahil kung tatanungin ninyo si AiAi, hindi siya sa­sa­got. Good vibes na siya at hi­git sa lahat, ayaw na niya sa mga nega.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

DENIECE

EAT BULAGA

MAMA GRACE

MY BEBE LOVE

PAPA

PAPA EDU

PAPA PING

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with