^

Pang Movies

Female celebrity ‘di kinikilala ang kapatid na construction worker at tindera sa palengke

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May kapatid pala sa kanyang ama ang female celebrity na ito.

Hindi tulad ni female celebrity na maganda ang buhay, hikahos sa buhay ang kanyang kapatid sa ama.

Pero ang nakakalungkot ay ayaw daw kilalanin ni female celebrity ang kanyang kapatid sa ama. Pero nagkita na raw sila nung hindi pa pinapasok ni female celebrity ang showbiz. Pero noon pa ma’y malayo na raw ang loob nito sa kanila.

Lumaki kasing spoiled ang female celebrity kaya hindi nito matanggap na may iba siyang kapatid sa labas.

Ayon sa aming source wala raw permanenteng trabaho at may pamilyang binubuhay ang nasa­bing kapatid sa labas ng celeb.

“Pa-extra-extra na lang siya sa mga construction at minsan nagbebenta sa kahit saang puwesto sa palengke, basta lang may maiuwi siya sa kanyang pamilya na makakain.

 “Mabait naman siya kaya marami ang tumutulong sa kanya. Alam din ng mga tao roon na kapatid niya ang female celebrity. Nagtataka sila kung bakit ayaw nitong humingi ng tulong. 
 “Nahihiya raw siya kasi kahit noon pa raw ay hindi naging malapit sa kanila ang female celebrity. Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala nito ang pagiging magkapatid nila.

 “Kung maalala raw sila ni female celebrity, eh di mas maganda. Hindi lang siya sure kung alam ng mister ni female celebrity na may kapatid ito sa labas.

 “Mabait pa naman ang mister niya at siguradong magbibigay ng tulong iyon sa kanila kung alam lang sana niya.”

Ilang beses na rin daw na tinangka ng kapatid ni female celebrity na kausapin siya, lalo na noong magkaroon ng malubhang sakit ang isang family member. Pero napigilan daw siya dahil baka hiyain lang siya nito at hindi pansinin.

Mabuti na lang daw at tinulungan siya ng kanyang mga kapitbahay kaya nakaraos sila.

Pero dasal pa rin niya na balang araw ay kilalanin na siya ni female celebrity para maging masaya na ito sa kanyang buhay.

Sharmaine nominado bilang best actress sa Australia

Lalaban sa best actress category ang aktres na si Shamaine Buencamino sa Asia Pacific Screen Awards (APSA) in Brisbane, Australia.

Nominated si Shamaine para sa indie film na Lorna at makakalaban niya ay mga aktres mula sa bansang Iran (Fatemeh Motamed Arya for Avalanche), Japan (Kirin Kiki for An), Russia (Evgeniya Mand­zhieva for The Gulls) and South Korea (Lee Yeong-Lan for End of Winter).

Dinirek ni Sigrid Andres ang Lorna na tungkol sa isang single mother na naghahanap ng tunay na pag-ibig. Kasama rin sa pelikula ang film director na si Lav Diaz na gumanap bilang ex-boyfriend ni Lorna.

Si Superstar Nora Aunor pa lang ang Pinay actress na nanalo sa APSA ng dalawang beses. Nanalo siya noong 2012 para sa pelikulang Thy Womb ni Brillante Mendoza at noong 2014 naman para sa Hustisya ni Joel Lamangan.

Sa December magaganap ang pag-announce ng winners kapag nagtapos na ang Brisbane International Film Festival.

Hollywood couple na sina Rosie O’Donnel at Michelle Rounds, divorced na

Na-settle na ang divorce sa pagitan ng TV host-comedienne na si Rosie O’Donnell at sa estranged wife niya na si Michelle Rounds.

Ayon kay Rosie ay naayos na raw ang divorce nila ni Michelle sa New York City.

 “There’s peace in the Middle East. It’s done. We’ve settled. We’re both very happy about the outcome.”

May 2-year old daughter ang ex-couple at nag-agree ang dalawa sa joint legal custody.

Nagsimulang mag-date noong 2011 sina Rosie at Michelle. Kinasal sila sa isang private ceremony in New York on June 9, 2012.

Nag-adopt sila ng isang baby girl named Dakota.

Nag-file ng divorce si Michelle at ang rason ng kanilang paghihiwalay ay “an irretrievably broken relationship”.

       

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

CELEBRITY

FEMALE

LEFT

NBSP

PERO

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with