^

Pang Movies

Charo at Malou Santos, nahasa kay Mother Lily!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa susunod na linggo pa ang 60th birthday ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio pero nag-celebrate na siya kagabi sa Edsa Shangri-La Plaza Hotel.

Of course, invited ako sa birthday party ni Mama Charing pero hindi ako nagpunta dahil early to bed, early to rise ang beauty ko at sure ako na maiintindihan niya ako.

Kagabi ang presscon ng No Boyfriend Since Birth ng Regal Entertainment Inc. sa Valencia Events Place. Napaaga ang calltime sa presscon dahil invited din sa birthday party ni Mama Charing si Mother Lily Monteverde at ang anak nito na si Roselle.

Umapir muna ang mag-ina sa presscon ng coming soon movie nina Tom Rodriguez at Carla Abellana bago sila nagpunta sa birthday party ni Mama Charing.

Sa mga hindi nakakaalam, nagtrabaho noon sa Regal Films sina Mama Charing at ang kanyang kapatid na si Malou Santos. Maraming natutunan ang Santos sisters mula kay Mother Lily na number one producer at sunud-sunod ang mga pelikula na ginagawa noon. Sa totoo lang, magandang training ground ang Regal Films dahil nahahasa nang husto ang mga budding movie producer at perfect example si Mama Charing na malaki ang kontribusyon sa pag-unlad ng ABS-CBN at si Mama Malou na responsible sa mga blockbuster movie ng Star Cinema.

Sen. Bong hoping na maisasayaw ang anak sa debut

Noong October 15 ang 18th birthday ni Loudette, ang bunsong anak na babae nina Senator Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado.

Gaganapin sa October 24 ang debut party ni Loudette kaya hoping si Bong na pagbibigyan ng Sandiganbayan ang request niya na payagan na dumalo sa importanteng okasyon sa buhay ng kanyang anak. Hindi pinayagan si Bong ng Sandiganbayan na makadalo sa high school graduation ni Loudette noong March 2015. Wish ko lang, payagan ng korte si Bong na makasaglit sa debut party ni Loudette sa darating na Sabado para siya ang maging first o last dance ng debutante.

Male model wala sa mukha na biktima ng kaelyahan ng baklitang TV host-singer

Hindi na mapigilan ng singer-TV host ang kanyang kabadingan dahil gumagawa siya ng mga kalaswaan sa mga bar na pinupuntahan niya. Ang mga foreign male models ang target ng kaelyahan ng singer-TV host na minsan nang na-praning at nagduda na baka HIV positive siya.

Mali ang hinala ng baklita dahil epekto lamang ‘yon ng kanyang pagbabangag pero hindi pa rin siya nagbago dahil patuloy ang paghahasik niya ng lagim. Na-sight sa isang bar ang singer-TV host habang pinipilit niya na halikan sa labi ang male model na walang nagawa.

Awang-awa sa male model ang mga saksi sa kalaswaan ng singer-TV host. Sumali ang male model sa isang reality show sa TV at dito siya napansin ng mga tao. Walang-wala sa itsura ng pobreng male model na naging biktima siya ng pang-aabuso ng singer-TV host na saksakan ng kati.

Maria Labo mangangagat na, ire-release ng Viva

Ang Viva Films ang mag­re-release sa mga sinehan ng Maria Labo, ang horror movie tungkol sa isang urban legend sa Visaya.

Si Roi Vinzon ang direktor ng Maria Labo. Isang baguhang aktres ang gumanap na Maria Labo at ayon kay Roi, nagampanan nang buong husay ng kanyang protégée ang  karakter ng pelikula.

vuukle comment

ANG

ANG VIVA FILMS

ATILDE

CARLA ABELLANA

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

EDSA SHANGRI-LA PLAZA HOTEL

LOUDETTE

MAMA CHARING

MARIA LABO

MGA

REGAL FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with