^

Pang Movies

Wally tinalbugan na sina Michael V at Roderick P.

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang kaduda-duda, si Wally Bayola na talaga ang tagapagmana ng yumao niyang idol na si Dolphy.

Dati ang sabi-sabi ay sina Roderick Paulate at Michael V. ang may hawak ng korona sa komedya.

Subalit sa kalyeserye, bumulaga talaga ang totoong Comedy King na si Wally B. Si Wally ang tipo ng bading na hindi maharot at mapanglait sa kapwa.

Hindi siya ‘yung tipong tili nang tili para mapansin lang at ‘di malaswa ang pagsasalita.

Kwento ni Wally, mahirap din daw magpatawa araw-araw. Dahil kay Wally, nabuhay ang imahe nina Bella Flores at Babalu.

Hindi akalaing mga lumang kaugalian pala ang papatok sa masa. Malaking bagay din ang pagkakatuklas kay Yaya Dub o Maine Mendoza dahil nabigyan ng buhay ang pagsasateleserye ng nakaugalian noon.

Malaking tulong din kay Alden Richards na apat na taon na sa GMA 7 pero ngayon lang talaga napansin.

May pakiusap lang para sa mga tagahanga ng AlDub, huwag naman n’yong ipagdamot ang inyong idolo sa mga tagahangang ibig magpakuha ng pictures sa kanila.

Public property po sina Alden at Yaya Dub, hindi sila eksklusibo sa iilang tao. Kung sina Alden at Yaya Dub nga ay willing pumirma ng autograph at magpa-picture, paano pa kaya kayong mga sasaway sa mga ito? Dapat tandaan, sandali lang ang kasikatan kaya dapat itong samantalahin. Buti nga may mga gustong magpalitrato sa idol n’yo kesa nakaupo lang sila na walang ibig lumapit at kumausap dahil hinihigpitan niyo.

Mabilis magsawa ang mga tao. Hindi pangmatagalan ang kasikatan, ‘wag mag-inarte.

Andrea walang takot, tatakbo sa pagka-bise mayor ng Calatagan

Walang katakut-takot si Andrea del Rosario, dating miyembro ng grupong  Hotbabes ng Viva Films. Tatakbo lang naman siyang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas. Tapos ng college si Andrea at may karapatang tumakbo ng anumang posisyon. Dating nabalita na dito kakandidato si AiAi delas Alas  bilang mayor pero nagbago ng isipan.                                                                                                                           

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDREA

ANG

BELLA FLORES

CALATAGAN

COMEDY KING

MAINE MENDOZA

MALAKING

MGA

NBSP

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with