^

Pang Movies

Kim piniga ni Direk Chito

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Marami ang first time kay Kim Chiu sa pagkakasali niya sa cast ng Etiquette for Mistresses ng Star Cinema.

Kaya nagpapasalamat si Kim kay Direk Chito Roño dahil napiga raw ang acting  niya. Hinamon kasi si Kim ni Direk Chito na magpakita ng bagong atake sa kanyang mga eksena. Hindi naman binigo ni Kim si Direk Chito.

Promise rin ni Kris Aquino na siyang nagtulak kay Kim na tanggapin ang role bilang kerida, na magugustuhan din ng fans ng young actress ang movie.

Proud lalo si Kim dahil marami raw siyang natutunan sa kanyang role na magkaroon ng right choice sa buhay.

Feeling malaki ang responsibilidad Vice pinag-iisipan pa ang pulitikong ieendorso sa eleksyon

Inamin ni Vice Ganda sa isang interview na maraming pulitiko ang nanliligaw sa kanya para i-endorse niya sa darating na eleksyon.

Pinag-iisipan pa ng komedyante kung sino ang tutulungan niya. Hindi naman daw lahat ay dahil sa malaking raket na makukuha niya, kundi naniniwala rin siya sa kredibilidad ng isang pulitiko. 

Bilang isang kilalang artista at komedyante, malaki rin daw ang kanyang res­ponsibilidad sa madlang people na siyang makikinabang sa mahahalal na opisyal ng ating bayan.

Tiyak na mapupuno at mag-uunahan ang mga kandidato na umapir sa kanyang show na Gandang Gabi Vice tuwing Linggo ng gabi sa ABS-CBN.

Alukin kaya siya ni Nancy Binay na i-endorse ang kanyang tatay sa pagka-presidente ngayong bati na sila ng senadora?

vuukle comment

ALIGN

ANG

CHITO RO

DIREK CHITO

GANDANG GABI VICE

KIM CHIU

KRIS AQUINO

LEFT

NANCY BINAY

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with