^

Pang Movies

Sheryl naniwala sa horror movie na Rosemary’s Baby!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Wala kaming kamalay-malay habang may naga­ganap na press conference ang Felix Manalo, may isa palang controversy na nangyayari doon lang sa may labas. Ang ginamit nilang term ay “di­sinvited”, ibig sabihin una nilang inanyayahan pero nagpalit ang kanilang isip at ayaw na nilang pa­puntahin doon si Sheryl Cruz. Ang dahilan ay nalaman nilang gusto nitong magsalita tungkol sa kanyang pinsang si Sen. Grace Poe, na ibig sabihin nga naman kung gagawin niya iyon, iyon ang mapag-uusapan at mababalewala ang kanilang pelikulang 150 million pa naman daw ang puhunan.

Ewan kung bakit, pero hindi ba nila napakiusapan si Sheryl na ito ay para sa isang pelikula at huwag siyang magbigay ng ganoong statement doon? Pero ang naging desis­yon nga nila ay “i-disinvite” na lang siya noong naroroon na siya. Hindi rin namin maintindihan kung bakit pinagsabihan siyang huwag siyang magpapa-interview kahit na saan mang bahagi ng venue, pero nangyari pa rin iyon sa coffee shop.

May mga lumabas pang pictures, natural nakunan iyon ng mga photographer ng mga diyaryo na parang hawak ng isang security personnel si Sheryl at hinahawakan palabas sa venue. Hindi maganda ang dating ng picture na iyon. Sana palihim na lang siyang pinalabas.

Ang sinabi lang naman ni Sheryl, naniniwala siyang hindi pa ito ang panahon para kumandidatong presidente ng Pilipinas si Senador Grace Poe. Nilinaw din niya na hindi totoo ang mga tsismis na kapatid niya ang senadora. Naalala namin, isa iyan sa mga hindi naman totoong kuwento noong panahon ng dating Presidente Ferdinand Marcos. May isang horror film kasing inilabas noon na ang title ay Rosemary’s Baby, at doon nagsimula ang mga tsismis na iyan. Lahat naman noon kasi basta makakasira kay Marcos sasabihin nila.

Kung iisipin mo, ganoon lang kasimple ang statement ni Sheryl. Hindi lang naman siya ang nagsabing mukhang hindi pa handa sa panguluhan si Grace Poe. Hindi lang naman siya ang naglilinaw ng mga tsismis sa pinagmulan ng kanyang “adopted cousin”. Hindi ma­laking bagay iyan eh. Lu­maki lang ang issue dahil doon sa sinasabing “disinvited” siya, tutal cameo role lang naman ang ginawa niya sa pelikula.

‘Panununtok’ ni Dennis kay Mikael ginawa lang OA

Nilinaw din ni Dennis Trillo ang intrigang sinapak niya si Mikael Daez sa ta­ping ng isa nilang TV show. Mayroon daw routine. Nawalan ng control si Dennis sa kanyang aksyon, na talaga namang nangyayari kahit na sa mga action stars noong araw. Tinamaan sa ilong si Mikael, pero pagkatapos naman daw noon ay nilapitan niya agad si Mikael at humingi siya ng dispensa. Aksidente lang iyon at hindi naman sinasadya ang nangyari at naintindihan din naman ni Mikael.

Kaya lang pilit na ginagawang issue ng iba. Sigu­ro naisip nila na magandang pralala sa show kung sasabihin na may nangyayari ngang selosan dahil kay Jennylyn Mercado kaya ganoon. Hindi naman sigu­ro totoo iyon dahil sa tunay na buhay, hindi naman nabalitang nagkaroon ng interest si Mikael Daez kay Jennylyn Mercado dahil alam naman ng lahat na may relasyon si Mikael kay Megan Young.

At saka naniniwala kami roon, na minsan may nangyayaring ganyang aksidente talaga na hindi naman sinasadya, pero routine nga kasi iyan eh.

Ang mahalaga, naging maliwanag sa kanilang dala­wa agad ang nangyari.

Huwag naman sanang OA sa pagkukuwento at ‘wag gamiting publicity gimmick.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

LANG

LEFT

MIKAEL

NAMAN

QUOT

SHY

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with