^

Pang Movies

Kaya nawawala minsan sa EB Ryzza Mae lagare sa school at taping!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Todo-suporta ang buong Dabarkads hosts ng Eat Bulaga kay Ryzza Mae Dizon para sa pilot telecast ng morning serye niyang Princess In The Palace na magsisimula na sa Monday, September 21.At ngayong Sabado, may isang special announcement ang EB para kay Ryzza, bukod pa sa proclamation ni President Leona Jacinto (Eula Valdez) na sa Monday ay special “hug day.”  

May nang-intriga rin kay Ryzza sa presscon ng morning serye na dahil daw sa pagsikat ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza ay nabawasan na ang exposure niya sa EB. Kinontra naman ito ni Aleng Maliit, talaga raw nauubos lang ang oras niya sa pagti-taping ng kanyang morning serye. Pagkatapos niyang mag-live sa The Ryzza Mae Show, tuloy na siya sa taping at kung may araw na wala siyang taping ay pumapasok naman siya sa school. Ayaw kasi niyang lumiban sa school. At kung kailangan daw naman siya sa EB, tulad nang maging contestant siya sa Dabarkads Pa More ay join naman siya. 

“Love ko po sina Kuya Alden at Ate Maine,” dagdag pa ni Ryzza. 

Sa direksyon ni Mike Tuviera, makakasama rin ni Ryzza rito sina Aiza Seguerra, Ciara Sotto, Marc Abaya, Boots Anson-Rodrigo, Ces Quesada, Neil Perez, Rocky Salumbides, Vince de Jesus, Miggy Jimenez, Lianne Va­lentin, at Dante Rivero.

AlDub fans paabutin ng 10-M ang tweet

Ita-try ng AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang hamon sa kanilang makapag-tweet ng 10 million ngayong Sabado. Ito’y kasabay ng magaganap na first date nina Den at Meng (ang tawagan na nila nga­yon). Paano kaya makakapag-tweet kung kinikilig na sa mga eksenang pwedeng maganap ang kanilang fans? 

Kahapon ay tinanong ni Alden kung kakanta si Maine mamaya, at yes daw ang sagot nito. So, maririnig na ang totoong boses ni Maine ng buong mundo? At for sure, hindi na ito split-screen, totoo nang magkakausap ang dalawa. Pero may pasubali pa rin ang production, na don’t expect too much daw.

vuukle comment

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ALDEN RICHARDS

ALENG MALIIT

ANG

ATE MAINE

MAINE MENDOZA

NBSP

QUOT

RYZZA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with