^

Pang Movies

Kahit may posisyon sa gobyerno ni P-Noy Dingdong pumiyok sa pagsuporta kay Sen. Grace?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nilinaw ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang sinabi na niya noon na hindi siya kakandidato sa anumang posisyon sa darating na 2016 elections pero nang lumabas ang balita na susuportahan niya si Senator Grace Poe sa announcement na ginawa nito noong Wednesday sa UP Bahay Alumni, nagbigay na ng statement si Dingdong sa maraming nagtanong sa kanya.   

 “Hindi po, I respectfully reiterate that I am not running for any post this 2016.  I confirm though, that I received an invitation yesterday (Tuesday) to attend the UP event today.  However, due to my current duties as an appointed official of the National Youth Commission, I have several official youth engagements today that are related to our on­going Climate Change advocacy program, which I am spearhea­ding.

 “Therefore, I am not attending.  Senator Grace Poe is a friend, and I wish that she be guided by our Almighty God in her journey today.” 

Alden at Maine, pinayagan nang magkita

Sa 9th Weeksary kahapon, September 17, nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub, nagbigay ng gift si Lola Nidora (Wally Ba­yola), pinayagan na niyang mag-date ang dalawa sa Saturday, September 19.  Siyempre pa, tumangbling sina Alden at Yaya sa tuwa, pero may kondisyon pa rin siya, kaya lamang nag-freeze na.  Ngayong Friday, sabihin na kaya ni Lola Nidora ang kondisyon niya sa date ng dalawa bukas?  

Eula ayaw nang magpakita ng katawan sa men’s mag

Usapang pulitika na rin lamang, sa Monday, ma­papanood na ang pilot episode ng mor­ning serye ni Ryzza Mae Dizon na Princess in the Palace bago ang Eat Bulaga, na gaganap na President Leona Jacinto si Eula Valdez.  Isang modern day Cinderella story ang serye na idinidirek ni Mike Tuviera.  Natanong namin si Eula kung hindi siya nahirapang gumanap bilang president, may peg ba siya sa dalawang naging babaeng presidente ng Pilipinas?

Wala raw naman siyang peg, nanood lamang siya ng mga movies na babae ang president, nag-observe din siya kung ano ang mga isinusuot nila at ang tamang pagkilos ng isang lady president.  Bumili rin daw siya ng mga damit na gagamitin niya, pero later on, provided na ng production ang mga isinusuot niya dahil binigyan na siya ng stylist.  Kahit ang insignia pin ng president na inilalagay sa dress niya, ipinagpagawa siya na kung hindi mo titingnan nang malapitan, akala mo ay totoo.  Hindi raw naman mahirap ang role niya, lagi raw siyang masaya lalo na kung kaeksena niya si Ryzza, dahil lagi raw siyang gigil na gigil na kurut-kurutin ang cheeks nito.

Natanong nga pala si Eula kung papayag siyang muling mag-pose sa cover ng FHM magazine. Nakadalawang beses na raw siyang mag-pose dito, pero sa ngayon, wala na raw siguro siya pwedeng patunayan, tama na iyon, ayaw na niya.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

EULA

LOLA NIDORA

NBSP

NIYA

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with