^

Pang Movies

Kaya walang ganap ang career, Male celebrity hindi nawawalan ng inggit sa katawan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Muling inatake ng kanyang insecurity ang male celebrity na ito dahil may isang aktor na naman na nalagpasan siya.

May kung anong inggit nga ang male celebrity na ito kaya hindi siya makaabante sa kanyang kinalalagyan.

Kung noon ay kinainggitan niya ay ang nakasama niyang drama actor sa isang teleserye, ngayon ay mas bata naman daw ang pinagmumulan ng inggit niya.

‘Yan daw ang problema ng male celebrity ayon sa dating manager nito. Kung noon ay masyado itong nagmamadali na sumikat kahit na ilang buwan pa lang siyang artista, ngayon pala ay nababagalan na siya sa pagsikat niya at naunahan pa siya ng iba.

“Hindi kasi maghintay. Gusto niya agad-agad may ganito na siyang endorsement, gusto niya bida siya agad sa isang teleserye. Hindi naman puwedeng mabilisan ang lahat.

“Yang mga kinaiinggitan niya ay naghintay ng matagal. Hindi naibigay sa kanila ng mabilisan ang lahat.

“Yan ang noon ko pa sinasabi sa lalakeng ‘yan, pero hindi niya maintindihan. Kapag inggit ang pinapairal mo, wala kang mapupuntahan,” litanya pa ng dating manager ni male celebrity.

Ngayon daw ay kinakalampag ni male celebrity ang bago niyang manager na gumawa ng paraan para makuha siya ng malalaking endorsements.

Hindi raw sapat ang mga naibigay nito sa kanya at hindi niya matanggap na naunahan na naman siya ng iba.

Althea gustong i-display ang exotic beauty sa serye, hindi na masaya sa indie lang

Matagal nang pangarap ng indie film actress na si Althea Vega na makasama siya sa isang malaking primetime teleserye.

Noon pa raw gusto ni Althea na makagawa ng teleserye kung saan makakasama niya sa aktingan ang mga mainstream actors.

Marami raw kasing mga nakasabay niya sa mga indie film ang naka-penetrate na sa mga mainstream teleserye.

“Noon puro guestings lang ako. Gusto ko sana ‘yung maging regular cast ako.

“Tutal ngayon naman, matatapang na ang mga stories ng mga teleserye. Hindi na ‘yung de-kahon na mga istorya.

“Gusto mong maging parte ng mga teleserye ngayon kasi iyon na lang kulang sa aking wish list,” ngiti pa ni Althea.

Ang kanyang exotic beauty ang siyang pambenta ni Althea sa indie films.

Maipagmamalaki nga niya na naging bahagi siya ng award-winning foreign film na Metro Manila. Naka-attend pa siya ng premiere night nito sa London kung saan nakipag-rubbing elbows siya sa mga Oscar winner na sina Cate Blanchett at Lupita N’yongo.

Noong nakaraang August 11 ay nakatanggap ng parangal si Althea sa Gawad Sulo Ng Bayan bilang Natatanging Artista sa Larangan ng Indie Film.

Last year naman ay isa siya sa Asian Achievers at Dangal Ng Bayan awardee.

Kasalukuyang ginagawa niya ang indie film na Pipamyalungan (Playground) sa ilaim ng direksyon ni Ronald Rafer.

After 23 years Vanessa Williams tinanggap ang sorry ng Miss America

After 32 years ay natanggap din ng actress-singer and former Miss America Vanessa Williams ang apology mula sa CEO ng Miss America Pageant na si Sam Haskell.

Si Vanessa ang kauna-unahang black woman na nanalo ng Miss America crown in 1983 pero napilitan itong mag-resign dahil sa mga kumalat na nude photos niya pagkatapos siyang makoronahan.

Noong nakaraang September 13 sa Miss America pageant, nag-apologize ang CEO kay Vanessa dahil sa mga nangyari noon.

“I have been a close friend to this beautiful and talented lady for 32 years. You have lived your life in grace and dignity, and never was it more evident than during the events of 1984 when you resigned.

“Though none of us currently in the organization were involved then, on behalf of today’s organization, I want to apologize to you and to your mother, Miss Helen Williams.

“I want to apologize for anything that was said or done that made you feel any less than the Miss America you are and the Miss America you always will be.”

Magaan na tinanggap ni Vanessa ang apology na iyon at nagpalakpakan ang audience sa naganap na eksena.

Nilinaw ni Vanessa na nasa kanya pa rin ang kanyang Miss America crown at ngayon ay puwede na niyang ulit ipagmalaki ito.

Ang kinoronahan palang Miss America 2016 ay ang 21-year old na si Betty Cantrell from Georgia.

vuukle comment

ACIRC

ALTHEA VEGA

AMERICA

ANG

ASIAN ACHIEVERS

HINDI

MGA

MISS

MISS AMERICA

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with