^

Pang Movies

Mocha Girls nasa close watch, hindi na basta-basta makakapag-show sa abroad

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Siguro nga, isang leksyon na sa ating mga artista iyang nangyari sa grupong  Mocha Girls na nahuli at nakulong sa Malaysia matapos na mag-perform nang walang wor­king permit. Naniwala raw kasi sila sa kanilang producer na ang lahat ay nasa ayos nang magpunta sila sa Malaysia para sa isang show, pero pagkatapos ay hinuli na nga sila.

Sinasabi pa nilang ikinulong sila sa isang masikip na selda na kasama ang 40 iba pang de­­tainees, at natulog sila sa lapag. May isa pang nagsabi na nasipa pa siya sa baba ng isang nakakulong din habang natutulog sila.

Hindi na bago iyan. Marami tayong mga artista na dumarayo kung saan-saan para sa shows nang walang working permit. Nire-recruit lamang sila, dumarayo sila na ang dala lamang ay tourist visa, tapos ang palusot, customer lang naman sila sa mga bar na iyon at tinawag lamang sa stage at hinilingan ng ibang mga customers din na kumanta. May nakakalusot naman sa ganoon, pero delikado talaga.

Kagaya niyan, may nangyari nang ganyan sa kanila. Sa susunod na bibiyahe sila, nasa close watch na sila sa mga lugar na maaari nilang puntahan. Kasi nakagawa na nga sila ng violation. At saka isipin ninyo iyong naranasan nilang makulong nang ganoon. Mabuti hindi naman sila na-deport. Kasi kung ipina-deport pa sila, sasakay sila sa eroplano nang may posas sa mga kamay, mas nakakahiya pa. Mabuti nga at pagkatapos noon, pinayagan na lang silang umuwi.

Rhian ngayon lang naging crush si Piolo

“Matagal na kaming nagkasundo pero ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap nang matagal. Para sa akin, malaking bagay iyon dahil ayoko rin ng may kasamaan ng loob. Ayoko rin ng may iniiwasan,” ganyan ang sinabi ni Piolo Pascual nang tanungin siya tungkol sa sinasabing pagkakabati nila ni KC Concepcion habang nasa London sila kamakailan.

Si KC pa ang nag-post sa kanyang social media account ng picture nilang dalawa.

Hindi naiwasan ni Piolo ang mga tanong tungkol kay KC noong magkaroon sila ng press conference para sa pelikula niyang Silong. Kahit na nga sa isang thriller ng pelikula, hindi yata mawawala ang mga love angles sa usapan basta si Piolo ang artista.

Hindi naman maikakaila na hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang relasyon, maging ano man ang dahilan ng kanilang break-up noon.

Nagbabatian naman daw sila kung nagkikita sila, pero doon nga sa London, nakapagkuwentuhan sila nang mahaba, at parang nabalik na sa dati ang kanilang pagiging magkaibigan. Pero huwag kayong umasa dahil walang reconciliation. Mukhang happy na naman sila na magkaibigan na lang.

Pero ang natawa kami doon sa presscon ng Silong, nang tanungin ang leading lady ni Piolo na si Rhian Ramos kung naging crush ba niya si Piolo noong araw pa, at ang isinagot niya ay “no, kasi ang crush ko noon pa si Aga. Kung sakali na crush ko si Piolo, baka ngayon na lang”.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

KASI

MGA

MOCHA GIRLS

NANG

PERO

PIOLO

PIOLO PASCUAL

RHIAN RAMOS

SILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with