^

Pang Movies

James at Nadine, seryosohan na ang mga ginagawa!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nabibilisan sa mga tinatamasa ng kanilang loveteam sina Nadine Ilustre at James Reid. Humahataw sa ratings ang On The Wings of Love (OTWOL) na araw-araw napapanood sa Kapamilya network.

Parang kailan lang, napapanood lang natin sila sa Ang Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, at Hopeless Romantic. Pero ngayon, nagsulputan na pati ang hindi na mabilang na endorsement ng JaDine.

Natatakot din si Nadine sa On The Wings of Love dahil mas mahirap na raw dahil may halo nang drama at seryoso na ang akting nila ni James.

Hindi raw tulad ng mga dating project nila na para lang silang naglalaro.

This time sa kanilang serye, may pressure na sa kanilang JaDine loveteam.

Kinakikiligan na talaga ang kanilang loveteam kaya nagsisilbi na rin silang banta sa loveteam ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Janine takot gayahin ang kanyang Mommy Lotlot

Nagsama pala sina Nora Aunor, Lotlot de Leon at Janine Gutierrez sa palabas na Karelasyon sa GMA-7 kamakailan lang.

Bale ba sa totoong buhay, kahit alam ng lahat na adopted daughter lang si Lotlot ni Ate Guy, itinutu­ring pa rin ng senior actress na tunay na anak ang mestisang aktres.

Maraming bilib kay Lotlot dahil hanggang ngayon ay tumatayo pa rin siyang ate sa kanyang mga kapatid na sina Ian, Kiko, Kenneth, at Matet.

Samantala, muling magsasama sina Lotlot at Janine sa pelikulang Buy Now Die Later na entry ng Quantum Films sa darating na MMFF.

Pero hindi mag-ina ang role ng dalawa, dahil gaganap na batang Lotlot si Janine sa pelikula.

Hindi nahihirapan si Janine na gayahin ang akting ng kanyang ina pero aniya, may pressure pa rin daw dahil tiyak na ikukumpara siya sa kanyang mommy.

vuukle comment

ANG

ANG DIARY

ATE GUY

BUY NOW DIE LATER

DANIEL PADILLA

HOPELESS ROMANTIC

JAMES REID

JANINE

JANINE GUTIERREZ

LOTLOT

ON THE WINGS OF LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with