^

Pang Movies

Payagan kaya ni John Lloyd? Derek gusto na uling makatrabaho si Angelica!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Sinabi ni Derek Ramsay na gusto niyang maka­trabaho ang kanyang dating girlfriend na si Angelica Panganiban, na ultra good actress para sa kanya.

Pero ang tanong, pumayag naman ka­ya si Angelica?

Hindi kasi naging maganda ang ka­nilang paghihiwalay. Higit ang sa­kit na naramdaman ni Angelica, since six years nga naman kasi nagtagal ang kanilang relasyon.

Now, of course, Angelica is happily in love with John Lloyd Cruz. Ayon kay Derek, in love na rin siya sa kanyang non-showbiz girlfriend.

While hinahangaan ng marami ang kakaibang role bilang kontrabida ni Angelica sa top series na Panga­ko Sa ‘Yo, maganda rin ang feedback kay Derek sa kanyang performance sa still showing niyang pelikula, Ex With Benefits, co-starring him with Coleen Garcia for the first time.

Muling mapapanood sa Regal Films si Derek para sa pelikulang Love is Blind kung saan makakasama niya ang kanyang dating girlfriend na si Solenn Heussaff.

Nora nagbigay ng tips sa kanyang leading men

Dalawang promising leading man ang kasama ni Nora Aunor sa indie film na Kabisera, na hindi pinalad makapasok sa Metro Manila Film Festival 2015 (MMFF).

Sila ay sina Alden Richards at Ronwaldo Martin.

Obvious na kilalang kilala na ngayon si Alden dahil sa kanilang loveteam ni Maine Mendoza na AlDub. Si Ronwaldo naman ay ang nakababatang kapatid ng Teleserye King na si Coco Martin.

Nora said she has high regards for both young performers, dahil hindi lamang sila mababait kundi pawang mga professional din. Nakikita niya din daw ang hangarin ng mga ito na sumikat.

Ang pangaral lang daw niya sa dalawa ay huwag silang magbabago kapag sumikat na sila. Lalo’t sa pakikisama nila sa kanilang fans at katrabaho.

“At lalo na ‘yong mga taong nakatulong, para marating nila ang pangarap nilang marating,” dugtong ni Nora.

Melai yumaman sa YFSF

Hulaan ninyo kung anong bago kay Melai Cantiveros, done deal na ang kanyang pagiging co-host ni Billy Crawford sa second season ng Your Face Sounds Familiar (YFSF).

Well, may upcoming concert lang naman siya, yes, concert, ang Melai Mo Mag-concert, na mapapanood na sa Sept. 18 sa Teatrino in Greenhills.

YFSF will start airing September 12, after  Maalaala Mo Kaya (MMK), on ABS CBN.

Kung matatandaan, si Me­lai ang nagwagi sa unang season ng YFSF kung saan nag-uwi siya ng 1-M at lalo pang sumikat.

“Malaking tulong sa akin,” ani Melai. “Kay Jason (Francisco, her husband) at anak naming si Amelia.”

Naging grand winner din siya sa Pinoy Big Brother (PBB) year 2009. Sa nabanggit na contest sila nagkakilala ni Jason.

With her winning cash prizes, nakabili na raw siya at si Jason ng lupa, bahay at sasakyan. Pero, higit sa lahat, malaking tulong na raw sila ni Jason sa kani-kanilang pamilya.

“Unlike us,” ani Melai, “gusto namin ni Jason na makatapos ng pag-aaral ang aming mga kapatid.

“Which is what we dream, too, for Amelia at ng kanyang magiging mga kapatid,” patuloy pa ni Melai.

PERSONAL: Today is the feast day of Mama Mary. Let’s all pay homage for Her, Salve A. Well, not just today but always.

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BILLY CRAWFORD

COCO MARTIN

COLEEN GARCIA

DEREK

DEREK RAMSAY

MELAI

NORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with