^

Pang Movies

Zoren lapitin ng Miss World

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal ding hindi gumawa ng teleserye si Zoren Legaspi sa bakuran ng GMA-7.

Huli pa niyang naging teleserye sa Kapuso network ay ang Nita Negrita noong 2011 pa. Kaya masaya raw siya sa pagbabalik niya via MariMar bilang ama ni Megan Young.

“Four years din akong nawala sa GMA. Nag-teleserye ako sa TV5 for three years tapos nag-host din ako ng showbiz talkshow doon. Then ‘yung huli kong teleserye ay sa ABS-CBN.”

Mas gusto raw ni Zoren na wala siyang exclusive contract sa anumang TV stations. Napa-practice niya ang kanyang right na maging isang freelancer.

“Naniniwala ako na dapat ang mga TV stations, naghihiraman ng mga artista. Walang exclusivity.

“Sa Amerika nga, meron silang malalaking networks din pero ang mga artista doon sa iba-ibang networks mo mapapanood. After matapos ang isang series nila, napapanood mo sila sa iba naman.”

Wala ring problema kay Zoren na ginawa siyang ama ni Megan sa MariMar. Megan is 25-years old.

“Siguro kung nag-asawa ako noong 18-years ako, puwede kong anak si Me­gan!” tawa pa ni Zoren who is 43-years old.

“Pero sa teleserye naman, ginawa nilang mas bata si Megan. Kaya tamang-tama lang. At least may anak akong Miss World, ‘di ba?”

Nanalo si Megan bilang Miss World 2013. Na-link naman noon si Zoren sa 2nd Princess ng Miss World na si Ruffa Gutierrez noong 1993.

“Bakit nga ba ako malapit sa mga World-World na ‘yan?” natatawang pagtatapos pa ni Zoren Legaspi.

Hollywood transgender na si Caitlyn Jenner kakasuhan, nakapatay

Mukhang makakasuhan ng “misdemeanor manslaughter” ang transgender reality TV star na si Caitly Jenner dahil sa pagkaka-involve niya sa isang fatal car crash na nangyari sa Malibu, California noong nakaraang taon.

Ayon sa mga ebidensyang nakalap, nagmamaneho sa unsafe speed ang 65-year old transgender noong February 7,  2014 bago tumama ang kanyang minamanehong Cadillac Escalade sa dalawang kotse sa Pacific Coast Highway.

Namatay ang isang nadamay sa crash na si Kim Howe (69-years old) na minamaneho ay isang white Lexus. Nasaktan naman sa collision na iyon ay si Jessica Steindorff na ang hawak ay Toyota Prius.

“The District Attorney’s Office will determine what, if any, charges will be filed in this case, or if there will be a request for further investigation,” ayon pa sa sheriff’s department.

Nagsampa ng demanda kay Jenner ay ang mga kaanak ni Howe at Steindorff.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CADILLAC ESCALADE

CAITLY JENNER

CAITLYN JENNER

DISTRICT ATTORNEY

JESSICA STEINDORFF

KAYA

MEGAN

MISS WORLD

ZOREN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with