^

Pang Movies

Dalawang female celebrities naggirian sa location!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagkakainitan daw sa isang location taping ang dalawang female celebrities na ito dahil isa sa kanila ay nagpaka-unprofessional.

Hindi nga magawang magalit ni Female Celebrity A (FCA) kay Female Celebrity B (FCB) dahil ma-stress lang daw siya at baka siya pa ang lumabas nagsimula ng gulo.

Kaya hangga’t kayang magtiis ni FCA sa pagiging mabagal at walang pakialam sa oras na si FCB ay ginagawa niyang magtiis.

Kilala kasi FCA sa pagiging maayos magtrabaho. Kapag may maagang call time ay one hour before ng kanyang call time ay nasa studio or nasa set na ito.

Samantalang si FCB ay notorious sa kanyang kabagalan. Para raw walang naghihintay sa kanya. Kaya naman marami na ang naiinis dahil consis­tent na pagiging cause of delay nito.

“In fairness kay FCA, hindi siya nagpapahintay ng mga tao. Siya pa nga ang naghihintay dahil maaga siyang dumarating.

“Pag dumating ‘yan, naka-make-up na at ready na ang isusuot niya. Kaya pagdating na ng taping time, okey na siya ay puwede na siyang isalang anytime.

“Si FCB naman, maghihintay ka talaga. Late na siyang dumarating, hindi mo pa nakikitang nagmamadali.

“Wala siyang pakialam kung may naghihintay sa kanyang mga tao. Basta siya, ginagawa lang niya ang gusto niya at nakakainis nga naman iyon.

“Kaya walang may gusto masyado kay FCB dahil maldita siya.”

Kahit ang director ng show nila ay mas gusto si FCA kaya naman parating nasa kanya ang mga tao at close na close siya.

Si FCB ay parating long shot at minsan inaalis sa frame dahil maraming oras daw itong inaaksaya kaya binabawasan ang exposure niya.

Ina maalindog pa rin kahit lima na ang anak

Kahit lima na ang anak ng kinilalang Sabado Nights Girl noong ‘90s na si Ina Raymundo, walang nabago sa seksing katawan nito.

Hindi raw kasi nag-iba ang porma ng katawan ni Ina simula noong nakilala siya sa iconic San Miguel Beer commercial noong 1995.

Inamin ni Ina na enjoy kasi siyang magbuntis kasi ang gaganda ng mga anak nila ng kanyang Canadian-Ukranian husband na si Brian Poturnak.

“Ewan ko, iba-iba kaming mga babae. May mga nahihirapan magbuntis at merong nadadalian tulad ko.

“Tsaka nasanay na akong mag-alaga ng bata. Enjoy ako being a mother,” ngiti pa ni Ina.

Last baby na raw ni Ina ang pang-limang anak nila ni Brian dahil gusto raw niyang muling mag-showbiz.

“Na-miss ko ang showbiz. Gano’n pala talaga, ‘di ba? Kung noon sinabi ko na happy na ako with my family. Hindi ko na kailangan mag-artista pa.

“Darating din pala ang time na gusto mong bumalik. Lalo na kapag napapanood mo ‘yung mga kasabayan mo na aktibo pa rin at may mga teleserye.

“Ako naman kasi, pabalik-balik naman ako. Pero every time nabubuntis ako. Kaya tigil na naman ako ng matagal.

“This time, sabi ko na last na itong bunso. Gusto ko namang mag-work na. Pero promise ko naman kay Brian na hindi ko sila pababayaan.”

Twelve years na nga ang pagsasama ni Ina at Brian bilang mag-asawa.

“Pero hindi naman kami perfect na mag-asawa. May mga problema rin kami paminsan-minsan. Away mag-asawa pero naayos naman namin agad.

“Si Brian naman kasi, he’s very open-minded. When I asked his permission na mag-artista ulit ako, oo agad siya. Basta alamin ko lang daw ang priorities ko between work and family.”

Balik-Kapuso si Ina bilang si Brenda Aldama sa primetime teleserye na MariMar kung saan bida si Megan Young.

Mga kaibigan nagulantang Megan Fox at Brian Green, divorced na!

Nagulat ang mga kaibigan ng mag-asawang Megan Fox at Brian Austin Green dahil sa kanilang paghihiwalay kamakailan.

Nag-file na ng divorce si Megan at sa mga dokumento, opisyal silang naghiwalay ay noong June 15 pa. Nilagay nga na dahilan ng aktres ay “irreconcilable differences”.

May dalawang anak sina Megan at Brian na sina Noah Green (2) at Bohdi Green (18 months).

Nag-request si Megan ng “physical at legal” custody ng dalawa nilang anak.

Si Brian ay may isa pang anak na si Kassius Green (13) mula sa dating karelasyon.

Nakunan kamakailan ng paparazzi si Brian sa isang gas station at suot pa rin niya ang kanyang wedding ring. Iyon ang araw na nag-file ng divorce papers si Megan.

Nakilala si Megan Fox dahil sa paglabas niya sa TV series na Hope & Faith at naging leading lady siya ni Shia LaBeouf sa dalawang Transformers films. Nagbida naman siya sa black comedy horror film na Jennifer’s Body. Huli siyang napanood sa Teenage Mutant Ninja Turtles movie last year.

Si Brian Austin Green ay isa sa mga teen stars ng series na Beverly Hills 90210 mula 1990 hanggang 2000. Lumabas din siya sa mga TV series na Wedding Band, Terminator: The Sarah Connor Chronicles, Smallville at Desperate Housewives.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRIAN

INA

KAYA

MAG

MEGAN

MEGAN FOX

MGA

NAMAN

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with