^

Pang Movies

Marco obsessed lover ni Michelle

Pang-masa

MANILA, Philippines - Paano kapag nauwi sa trahedya ang dapat sana ay magandang pagsasama?

Iyan ang sasagutin nina Atty. Jose at Jopet Sison sa kanilang pagtalakay sa isang crime of passion ngayong Sabado sa hit legal drama ng ABS-CBN na Ipaglaban Mo.

Nagkakilala sa isang boarding house sina Martin (Marco Gumabao) at Cherry (Michelle Vito) at agad nagkasundo ang dalawa. Halos di sila mapaghiwalay sa sobrang pagiging malapit sa isa’t isa. Sa kabila nito, nananati­ling kaibigan lang ang turing ni Cherry kay Martin.

Isang araw ay hinatid si Cherry ng kaklase at pagkakita rito ni Martin ay agad niya itong pinagtabuyan. Dito binantaan ng binata ang dalaga na papatayin niya kapag nagpaligaw ito sa iba.

Dala ng takot sa kanyang inasal kung kaya’t nagpasya si Cherry na layuan si Martin. Lalo itong ikinagalit ni Martin na siyang mag-uudyok dito na gawin ang karumal-dumal na krimen.

Ano ang magiging depensa ni Martin sa pagkakasala? Anong sentensya ang naghihintay sa kanya?

Sa pangunguna ng hosts na sina Atty. Jose at Jopet Sison, nakapagpaabot din ng free legal consultation sa publiko sa pakikipagtulungan sa Tulong Center ng ABS-CBN.

Pakatutukan ang Ipaglaban Mo episode na  Pinaasa Mo Ako ngayong Sabado sa direksyon ni Ludwig Peralta pagkatapos ng It’s Showtime  sa ABS-CBN.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

IPAGLABAN MO

JOPET SISON

LUDWIG PERALTA

MARCO GUMABAO

MICHELLE VITO

PINAASA MO AKO

SABADO

TULONG CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with