^

Pang Movies

Fans nina Alden at Maine ayaw paawat sa pagiging ‘halimaw’!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tina-target ng Barangay Ginebra na kuning muse si Yaya Dub (Maine Mendoza) sa opening ng PBA ayon sa GMA News report. Nakikipaglaban daw ang executives ng koponan upang makuha ang latest phenomenon sa telebisyon! Sobrang bagsik talaga ng epi­demyang dala ni Yaya Dub na kahit mga lalaki ay nahuhumaling din sa kanya, huh!

Last Saturday ay nag-first monthsary na ang AlDub loveteam nila ni Alden Richards. Inilabas na naman ang AlDub nation ang pagiging “halimaw” sa pagtu-tweet sa Twitter dahil trending ang hashtag na #AlDubForYouIWill. ‘Yun nga lang, pinahirapan muli ni Lola Nidora (Wally Bayola) si Alden nang paglakarin niya ito mula Broadway Centrum hanggang EDSA, huh!

Siyempre pa, nabulabog ang kahabaan ng Aurora Blvd. sa presence ni Alden! Kahit pawisan ay amoy-baby pa rin ang Kapuso actor!

Kahit may malakas nang clamor na magkita kahit saglit sina Alden at Yaya Dub, patuloy pa rin silang sumusubaybay sa KalyeSerye ng taon!

Direk Joey saludo sa bagong tambalan

Umani naman ng papuri ang eksplanasyon ng writer-director na si Joey Reyes sa kasikatang tinatamasa ng AlDub na inihayag niya sa kanyang Twitter account.

“The common reason is that they give good vibes. They herald the return to innocence. To fun. To good clean fun that does not involve insulting or downgrading anyone for looks, reputations or whatever..

“Al-Dub exploded to a phenomenon that it is…because it provided good and clean respite from the polluted air we inhale by reading the news…or simply going out of our houses.

“People may think it is so mababaw to be fascinated by all these…but give it some thought and you may know it is not.

“Nothing happens by accident…including pop cult sensation. Everything is a response to much larger issue.

“And all the audience really wanted was a return to a good old falling in love.” Ito ang ilan sa tweet ni direk Joey.

Blogger laya na

Na-detain pala ang blogger na si Fashion Pulis kaugnay ng reklamong libel na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo. Eh nakalaya na siya dahil na rin sa pakikipaglaban ng kanyang lawyer na naglabas ng statement na nabasa namin sa PEP.

May kaugnayan sa isinulat ng blogger na diumano ay may isang nakakahawang sakit si Deniece. Sanhi nito, nagsampa siya ng demanda laban sa blogger.

Eh sa lumabas na isang report, handa naman daw si Deniece na magkaroon ng amicable settlement kay Fashion Pulis. Wala pa namang reaksyon ang kampo ng blogger tungkol dito.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

AURORA BLVD

BARANGAY GINEBRA

BROADWAY CENTRUM

DENIECE

DENIECE CORNEJO

DIREK JOEY

FASHION PULIS

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with