^

Pang Movies

Kapalaran ni Melissa pahulaan pa!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pahulaan kung itutuloy ng businessman na si Rey Pamaran ang mga kaso na isasampa niya laban kay Melissa Mendez dahil ibinigay nito kahapon ang public apology na kanyang hinihingi.

Short but straight to the point ang public apology ni Melissa na “In light of the recent incident that involved me and Mr. Rey Pamaran, I would just like to simply apolo­gize for my untoward actions and move on from this.

 “This incident has caused a lot of pain and trouble to me and my family, as well as the other party involved. I am owning up to my mistake. No matter what the reason might be, I had no right to physically hurt Mr. Pamaran. Again, my deepest apologies to Mr. Pamaran and everyone else who have been affected by this.”

Ang reaksyon ni Pamaran sa public apology ni Melissa ang inaabangan ng mga sumusubaybay sa kanilang sigalot.

Satisfied ba si Pamaran sa apology ni Melissa o naku­kulangan siya kaya itutuloy pa rin niya ang plano na pagsasampa sa korte ng reklamo?

Nasa kampo na ni Pamaran ang bola dahil kapag hindi niya pinatawad si Melissa, siya ang lalabas na ungentleman.

At kapag tinanggap niya ang apology ni Melissa, dapat tuparin ni Pamaran ang kanyang pralala na hindi na siya magdedemanda.

Sa totoo lang, mas madali  ang mag-sorry kesa magkaroon ako ng court case dahil malaking aba­la ito.

Dusa talaga para sa mga nade­demanda  ang paggising ng maaga, magbiyahe  sa mga napaka­trapik na kalsada sa Metro Manila para makarating sa korte.

May mga pagkakataon na hindi natutuloy ang hearing dahil sa mga hindi naiiwasan na pangyayari. Tama ang ginawa ni Melissa na paghingi ng paumanhin sa mhin na sinampal niya para  hindi na siya maabala.

Siya na rin ang nagsabi na marami na ang nasaktan at naapektuhan ng gulo na nangyari noong Biyer­nes sa Pagadian City flight ng Cebu Pacific.

Amalia fuentes natakot rin sa panunumbat sa Apo

Burado na ang mga maaanghang na pahayag ni Amalia Fuentes laban sa kanyang apo na si Alyssa Martinez.

 ‘Yun nga lang, may mga nakapag-screenshot ng mga explosive revelation ng dating movie queen kaya marami pa rin ang nakaalam sa mga pahayag niya laban sa kanyang apo.

May kasabihan na blood is thicker than water. May tampuhan man ngayon, imposible na hindi na magkasundo ang maglola dahil mahal na mahal ni Amalia ang mga apo niya sa kanyang anak na si Liezl Martinez. Kung hindi natitiis ng mga madir ang kanilang mga anak, lalong hindi matitiis ng mga lola ang mga apo nila.

                                    

vuukle comment

ALYSSA MARTINEZ

AMALIA

AMALIA FUENTES

CEBU PACIFIC

MR. PAMARAN

PAMARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with