^

Pang Movies

Arci Muñoz tuloy ang relasyon sa anak ng royalty

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Na-sight si Arci Muñoz at ang rocker boyfriend niya sa isang coffee shop sa Promenade, Greenhills kagabi.

Sweet si Arci at ang kanyang boyfriend na anak ng isang royalty.

Ang naturang boyfriend ni Arci ang kasama niya noon sa isang gig kung saan ay naki-jamming lang siya, pero tumama ang kanyang mukha sa microphone stand at dahilan ng pagkakaroon niya ng peklat sa may bandang kilay.

Hindi na masyadong halata ngayon ang peklat sa may bandang kilay ni Arci dahil ayon sa kanya, ipinale-laser treatment niya ‘yon.

“Halos wala na nga po,” sey ni Arci.

Ang aksidenteng ‘yon ang dahilan kung bakit na-delay noon ang taping ni Arci ng ABS-CBN ng teleserye na Pasion de Amor kung saan co-stars niya sina Ellen Adarna at Coleen Garcia.

“Buti nga po, maayos na talaga,” pahayag pa ni Arci na ngayon ay certified Kapamilya na after matapos ang kontrata niya sa TV5.

Pinagtawanan noon ni Arci ang tsikang nag-away sila ng kanyang boyfriend kaya nagkaroon siya ng sugat sa mukha.

Sabi noon ni Arci, sobrang mapagmahal at mabait ang boyfriend niya na ilang beses na rin niyang naipakilala sa akin.

Pag-aartista ng varsity player na si Arnold van Opstal nabitin

Naudlot ang pagiging artista sana ng De La Salle University Green Archer na si Arnold van Opstal.

Kamakailan ay nag-pictorial na si AVO (paboritong tawag sa kanya ng mga mahilig manood ng UAAP games ng DLSU) para sa isang episode ng Wattpad Presents ng TV5, pero nang magte-taping na, nagkaroon ng problema sa schedule ng varsity player.

Hindi na siya puwedeng mag-taping dahil sa practice ng basketball.

Puwede pa naman daw makapag-artista si AVO, pero prio­rity talaga niya ang basketball.

Pinag-usapan nga pala noon ang pictorial ni AVO para sa Bench kung saan ay naka-underwear lang siya.

Anjanette nagpatulong sa ‘Vicki Belo’ ng California para maibalik ang ganda

Lima na ang anak ng dating sexy star na si Ina Raymundo na nagbalik-showbiz.

Maganda pa rin ang hubog ng katawan ni Ina.

Dalawa naman ang anak ni Anjanette Abayari na nagbabalik-showbiz rin.

Noong una, may mga litratong lumabas si AJ (palayaw niya) na mukha na siyang losyang, pero nagawan niya ng paraan na makapagpapayat at maayos uli ang sarili.

Si Dra. Tess Mauricio na kilala rin sa Hollywood ang tumulong kay AJ para pumayat uli.

Si Dra. Tess ang parang Dra. Vicki Belo sa California.

vuukle comment

ANJANETTE ABAYARI

ARCI

ARCI MU

COLEEN GARCIA

DE LA SALLE UNIVERSITY GREEN ARCHER

DRA

NIYA

VICKI BELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with