^

Pang Movies

Halimbawa ang nangyari sa kasambahay ni Claudine: Hustisya sa ‘Pinas marami pa rin butas

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Matapos na makulong ng isang taon sa jail sa Mari­kina, idineklarang walang kasalanan si Dessa Patillan, ang dating alalay ni Claudine Barretto na pinagbintangan niya ng pagnanakaw. Ninakawan daw siya ng dating alalay ng isang relong Rolex, at iba pang mahahalagang bagay na sinasabing nakuha nila sa kuwarto mismo ni Patillan. Si Patillan ay agad na nakulong nang halos isang taon dahil wala siyang abugado at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Mayroon pang kuwento na minsan ay tinangka nang mag-suicide ni Patillan dahil sa nangyari.

Naawa naman si Gretchen Barretto, na kapatid ni Clau­dine nang malaman ang sinapit ng kasambahay. Inirekomenda niyang tulungan iyon ng kanyang abogadong si Atty. Alma Mallonga, at siya rin ang nagbigay ng piyansa para pansamantala iyong makalaya.

Matapos ang ilang buwan din, sinabi ng korte na walang sala si Patillan. Una, sinasabing illegal ang ginawang paghahalughog sa kanyang mga gamit, at hindi siya nagkaroon ng karapatan na ipagtanggol ang kanyang sarili. Pagkatapos, tumestigo rin si Raymart Santiago na asawa ni Claudine, na hindi ninakaw ni Patillan ang sinasabing Rolex watch at iyon ay nasa kanya.

Nangibabaw din ang hustisya, pero ang tanong nga ng ilan, nasaan pa rin ang hustisya dahil naipakulong ang isang taong wala naman palang kasalanan sa loob ng isang taon? Hindi kaya may karapatan din si Patillan na balikan ang mga nagpakulong sa kanya, pati na ang nagkulong sa kanya? Hindi ba illegal din na hindi siya nabigyan ng abugado at hinayaan na lang nakakulong nang ganoon?

Maraming katanungan talaga sa justice system dito sa ating bansa. Iyang kaso ni Patillan ay isa ngang ma­gandang example ng injustice. Isipin ninyo iyong ikulong ang isang taong walang kasalanan ng isang taon, at pagkatapos ba ganoon na lang iyon?

Sam at Jasmine ayaw sanang ipag-ingay ang hiwalayan

Split na raw officially sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis Smith. Sinasabing matagal na ang kanilang hiwalayan pero hindi nila sinasabi iyon. Ngayon lang may nakapagbigay ng kumpirmasyon na wala na nga ang dalawa. Naging madalas diumano ang kanilang pagsasagutan tungkol sa kanilang relasyon, at dahil doon minabuti na nilang mag-split. After all, mukhang hindi na naman sila magkakasundo.

Nagsimulang umasim ang relasyon ng dalawa nang maka-encounter ni Sam ang nakatatandang kapatid ni Jasmine na si Anne Curtis sa isang party sa Makati, kung saan sinabing nainsulto si Sam. Ganoon pa man, wala siyang sinabi tungkol doon at nanahimik na lang, dahil iyon ang iniutos sa kanya ng kanilang network. Pero siguro nga in private, nasaktan siya talaga at hindi pa niya makalimutan iyon.

Mas mabuti na ngang mag-split sila kung ganoon din lang ang sitwasyon.

Mga local awards natin hindi na sineseryoso

Kasalukuyan naming pinanonood ang Oscar Awards kahapon mula sa US. Napakaganda at ma­ayos ang kanilang presentation. Kung ikukumpara mo sa local awards natin na ang mga artista ay hindi pormal ang kasuotan, at marami pa sa mga presenters ang nagkakamali, sapal na sapal ang mga local awards.

Dati naman, maayos ang presentation ng mga awards dito sa ating bansa. Kahit na sa TV mo lamang pinanonood, magiging interesado ka. Sa nga­yon wala na eh. Maski iyong mga production numbers nila, karaniwan nang napapanood iyon sa mga TV shows. Wala nang bago talaga. Ni hindi mo masasabing “special” ang kanilang presentation.

vuukle comment

ALMA MALLONGA

ANNE CURTIS

CLAUDINE BARRETTO

DESSA PATILLAN

GRETCHEN BARRETTO

ISANG

PATILLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with