^

Pang Movies

Toni takot mawalan ng career kaya next year na raw ang kasal kay Direk Paul?

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos tapos na ang usapan sa engagement ni Toni Gonzaga kay Direk Paul Soriano. Si Paul ay apo ni Gines Soriano na mas kilala sa pangalang Nestor de Villa. Si Jeric Soriano ang tatay ni Paul na isa ring direktor.

Pero hindi pa raw this year ang kasal nina Toni at Paul. Excited lang si Toni na ibahagi ang kanyang kasiyahan. Gusto pa kasi raw niyang patagalin ang kanyang pagiging single. Hindi pa raw kasi siya sawa sa pagkadalaga! Enjoy pa rin siya sa status niya bilang girlfriend ni Paul. Kinakabahan lang si Toni na kapag nag-asawa na ito ay maapektahan na ang kanyang karir. Pero marami naman ang mga kaibigan niyang nagsasabi na hindi lang siya ang aktres na mag-aasawa kung sakali. Marami namang aktres na nagkaanak na nga pero nasa ayos pa ang acting career gaya ni Jennylyn Mercado.

Jennylyn pinagkaguluhan sa kulungan!

Speaking of Jennylyn Mercado, dumalo pala siya sa birthday ni Marlon Bautista na ginawa sa PNP Custodial Center kung saan nakakulong ang kapatid niyang si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.  Kasama ni Jennylyn ang anak niyang si Alex Jazz na malaki na pala ngayon!

Kinantahan ni Jennylyn si Marlon sa kaarawan niya ng You Should Know By Now na kanta nina Jaya at Dingdong Avanzado. Pagkatapos ng kanta niya, ang daming nagpa-selfie sa singer-actress. Nakakaloka dahil pati mga guard  sa labas ng kulungan ni Bong, nagpa-picture na rin!  Ang ganda-ganda kasi ni Jennylyn na medyo slim ngayon. Ang liit talaga ng baywang niya! Kaya pala kahit si Mayor Joseph “Erap” Estrada, ay nahumaling sa aktres.

Oh yes, kinumpirma ni Jennylyn na a-attend siya ng kasal ng dating boyfriend at father ng anak niya na si Patrick Garcia. Kasi ang anak nilang si Jazz ang ring bearer sa kasal!              

                                                                        

vuukle comment

ALEX JAZZ

CUSTODIAL CENTER

DINGDONG AVANZADO

GINES SORIANO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JERIC SORIANO

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with