^

Pang Movies

AiAi first time nakaranas na ‘pagsamantalahan!’ ang kabaitan

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isinalba ni AiAi delas Alas ang mga taong puwede pang mabiktima ni Jacob Fernandez na producer niya sa nakanselang pre-Valen­tine show na Ai Heart Papa. Kagabi, February 12 ang schedule nito sa The Theater ng Solaire Resort & Casino pero the day before lang sumabog ang lahat ng problema kaya minabuti na rin ni AiAi na huwag nang gawin ang concert.

“Ako pa lang sana ang unang Pinoy na magku-concert doon. Ang ganda sana. Pero dahil ngayon, ako ang kauna-unahang Pinoy na nakansela ang show roon! Ha! Ha! Ha!” biro ni AiAi sa ipinatawag niya na presscon upang linawin ang pangyayari.

Hindi na nga raw siya binigyan ng down ni Jacob, pati na ang banda, maging ang rental sa venue ay hindi rin nabayaran nu’ng Miyerkules kung saan magkakaroon sana sila ng rehearsal ng banda. Ayaw na rin daw niyang makipag-usap kay Jacob.

“Ano pa ang pag-uusapan?” tanong ni AiAi.

Nakarinig na rin daw siya tungkol sa background ni Jacob. Hindi niya ito binigyang-pansin dahil ayaw niyang mag-judge ng tao.

“Saka humingi siya sa akin ng chance na tulungan siya. Kilala naman ninyo ako ‘pag hiningan ng tulong. ‘Yun pa ang napala ko,” rason niya.

“Well ngayon, apparently, lahat ng tsismis sa kanya, totoo!” dagdag niya.

Nagbigay din ng babala si AiAi tungkol kay Jacob na may kinalaman sa kanya.

“Anything po about Jacob na ginagamit ako, ang pangalan ko, about sa mga pera or anything, wala po kaming kinalaman,” babala ni Ai.

Wala ba siyang legal na hakbang na gagawin laban kay Jacob?

“Tatanungin ko ang lawyer ko kung anong legal actions ang puwedeng gawin,” saad niya.

Paano ‘yung mga nailabas niyang pera bilang abono?

“Opo naglabas na ako pero ang magandang balita naman, sa May 16, ay magkakaroon po ako ng free shows for all of my fans at lahat po ng tiket na hindi na naisoli, ‘yun na po, ipapakita lang nila ‘yon at lahat ‘yon ihu-honor namin!

“’Yun pong mga ibang mga tiket, ‘yung mga tickets sa show ko na noon-noon pa, or any receipt ng album ko, ipapakita lang po ninyo roon. This is for all of my fans!” balita ni AiAi.

Wala pang venue ang free concert niyang ‘yon pagkagaling niya sa abroad.

Paano pala ‘yung mga ticket na nabenta na sa show?

“Depende, kasi ako, may tickets akong pinul-out para sa akin,” tugon ni AiAi.

Inaayos na raw ‘yung refund ng tickets.

So ano ang nararamdaman niya ngayon dahil sa nangyari?

“Ahhh, ang hassle at saka…Sabi nga ni Tita Lolit (Solis), at my age at saka sa tagal ko na sa industriya, first time na nangyari ito sa akin at saka first time na may nangganito sa akin. First time!

“Parang ‘yung pananaman­tala eh sobra-sobra! Kaya minsan, mahirap maging mabait!” deklara ni AiAi.

Nag-sorry na ba sa kanya si Jacob?

“Oo nag-sorry. Nag-sorry sa akin sa Instagram. Sa PEP, I think nag-sorry siya. Hindi sa personal. Text lang,” sey niya.

Maging ang mga anak niya na sina Sancho at Sofia ay naudlot din ang exci­te­ment sa hindi pagkakatuloy ng show.

Magkano ang nalugi sa kanya sa show?

“Ahhh, ‘yung sa pera hindi naman ano ‘yon eh. ‘Yung pagod, ‘yung energy. Lahat ng mga time na ibinuhos ng mga tao. ‘Yung director, si GB (San Pedro), si Homer (Flores), musical director, at mga taong nagbuhos ng oras, ‘yun ang ikinalulungkot ko. Kasi napagod talaga sila!” katwiran ng Comedy Concert Queen.

So magiging malungkot na ang Valentine’s Day niya dahil sa pagkakansela ng show?

“Hindi, huh! Magluluto ng carbonara sa bahay at saka mag-i-Skype ako with my baby girl (Sofia). Babalik na siya sa States bukas (February 13). Ang maganda kong anak!” balita ni AiAi.

vuukle comment

AHHH

AIAI

AKO

JACOB

NIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with