^

Pang Movies

Bagong child actress na si Alaina Jezl, magbibida agad

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Kung kinagiliwan si Alonzo Muhlach sa pelikula at telebisyon at gumawa ng ingay sa My Big Bossing tiyak na kagigiliwan din ang bagong child actress na si Alaina Jezl Ocampo na solong anak nina Jessie at Alona Ocampo. Sa edad na anim ay kinakitaan agad ito ng talento sa pag-arte, pag-awit, at pagsayaw. Maasahan din ito sa pagsasayaw ng ballet.

Kahit nag-iisang anak ay hindi ito spoiled, independent, disiplinado, at marunong makisama sa lahat ng tao.

Ilulunsad na sa pagiging ganap na bida ang magandang child actress sa pelikulang Ineng the Movie kung saan under negotiation pa kung kukunin si Alonzo para makasama niya.

Para mahasa pa sa pag-arte, kumukuha ito ng acting lessons sa Neophytes Talent Center.

Magaling sa klase si AJ kung saan nasa preparatory level siya sa Pater Noster Montessori School in Tagaytay City.

Magaling siya sa Ingles at Tagalog. Bata pa ay mahilig na itong mag-artista at dahil nakita ng mga magulang na may potential siya ay pinayagan siyang mag-showbiz.

Gusto ba niyang makasama si Alonzo sa pelikula? ‘‘Opo mabait siya at friendly kaya magkakasundo kami sa set. Sana nga makasama ko siya sa pelikula dahil sikat na siya. Gusto kong maging kapareha niya,’’ anang AJ.

Tinanong din namin ang bagong child actress kung sino ang paborito niyang artista. Gustung-gusto nito si Marian Ri­vera at sana raw ay magkasama rin sila sa pelikula balang araw.

Makakasama niya sa Ineng the Movie sina Arci Muñoz, Niño Muhlach, Allen Dizon, Ritz Azul, at marami pang iba sa direksyon ni Dinky Doo.

vuukle comment

ALAINA JEZL OCAMPO

ALLEN DIZON

ALONA OCAMPO

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ARCI MU

DINKY DOO

INENG THE MOVIE

MAGALING

MARIAN RI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with