^

Pang Movies

Jackie Chan Adventures at Knock Out, magbabalik na sa GMA Astig

Pang-masa

MANILA, Philippines - Simula Lunes (Enero 26), siguradong mas magiging maaksyon ang umaga ng mga manonood dahil muli nang mapapanood sa GMA Network ang Jackie Chan Adventures at Knock Out.

Sa pagbabalik ng astig na martial arts hero na si Jackie Chan, matutunghayan muli ang kanyang mga laban upang makuha ang 12 magic talismans.

Dagdag pa rito ang pagbisita ng makulit na pamangkin ni Jackie na si Jade na sasama sa kanyang mga adventures.

Muli ring mapapanood ang pinaka-astig na mandirigma sa ibabaw ng ring na si Ippo, isang mahiyain at tahimik na high school student. Matapos siyang mailigtas ng isang boksingero na si Takamura, nagsimula ang kanyang pagnanais na matuto ng boxing.

Tuwing umaga mula Lunes hanggang Bi­yernes, mapapanood ang Jackie Chan Adventures pagkatapos ng Pokemon at ang Knock Out naman pagkatapos ng Slam Dunk sa Astig Authority block ng GMA.

vuukle comment

ASTIG AUTHORITY

DAGDAG

ENERO

JACKIE CHAN

JACKIE CHAN ADVENTURES

KNOCK OUT

SIMULA LUNES

SLAM DUNK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with