^

Pang Movies

Julia at Gerald mainit ang naging tikiman!

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Pasabog ngayong Enero ng Star Cinema ang pelikulang  Halik sa Hangin na pagbibidahan nina Gerald Anderson, Julia Montes at JC de Vera, tatlo sa pinakamahusay na batang aktor ng ABS-CBN.

Puring-puri ni Direk Manny Palo si Julia dahil nailarawan nito nang husto ang karakter ni Mia kung saan bawat eksena ay intense ang kanyang emosyon. Inamin naman ng aktres na hinugot niya ang mahusay na pag-arte sa personal na karanasan sa buhay.

First time din ni Julia na sumabak sa sexy role kung saan may maiinit silang eksena ni Gerald. Noong una kabado ang young actress pero inalalayan naman ito ni Direk Manny.

Kasama rin sa movie si Ina Raymundo bilang ina ni Julia. Noong una, nailing ang young actress nang malamang magiging ina niya ito dahil nagbiro na mas malaki pa ang mukha niya kaya baka mapagkamalang siya ang nanay ni Ina.

May nagkakalat ng balita na kasi nagpunta si Julia sa abroad ay dahil buntis ito. Ayon dito, hindi totoo ‘yun at pinangalawahan ni Direk na kung buntis siya baka nalaglag na ang bata sa kanyang sinapupunan dahil may eksena siya sa Halik sa Hangin na nakalambitin at patulan-talon pa.

Inamin naman ni Julia na hindi pa siya handang ma-in love sa ngayon dahil prioridad ang gumagandang career. 

Palabas na ang Halik sa Hangin sa lahat ng sinehan nationwide sa January 28, 2015 mula sa Star Cinema.

Ariella ikukuwento ang hiwalayan nila ni ErVic Vijandre

Maganda ang tatalakayin ngayong Biyernes sa Love Hotline kung saan sasagutin ang katanungang may aasahan pa ba sa isang natapos na relasyon at puwedeng maging magkaibigan ang dating magnobyo?

Maririnig ang kuwento ng dating international beauty queen na si Ariella Arida sa ex-boyfriend na si Ervic Vijandre. Paano kaya nakapag move on ang beauty queen matapos humarap sa isang heartbreak?

Samahan sina Jean Garcia at love expert na si May Soriano para kilalanin ang pagkatao ni Ara sa Love Hotline ng GMA network.

vuukle comment

ARIELLA ARIDA

DIREK

DIREK MANNY

ERVIC VIJANDRE

HALIK

HANGIN

JULIA

LOVE HOTLINE

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with