^

Pang Movies

Siya pa mismo ang pinalayas sa sariling condo Onemig nagsalita sa mga naging problema sa ina ng mga anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Si Onemig Bondoc na rin mismo ang nagsalita tungkol sa naging problema nilang mag-asawa. Sinabi niyang nitong taong ito lamang naging opisyal ang kanilang paghihiwaly pero noong 2013 pa raw sila hindi nagsasama. Ibig sabihin, siguro nga gumagawa pa sila noon ng mga reconciliatory moves. Kaya maliwanag na rin, na nang aminin ni Valerie Bariou na may problema ang kanilang pagsasama, magkahiwalay na pala sila talaga.

Ngayon, inamin na rin ni Onemig na siya ang pinaalis ni Valerie sa kanilang tinitirahang condominium na sinasabi niyang sa kanya at siya ang nagbabayad, pero dahil kasal sila, iyan ay isa na ngang conjugal property. Sa pag-amin din naman ni Onemig na “it’s always her way. Hindi maaa­ring magkamali ang kahit na sino, siya lang ang puwedeng magkamali”, mukhang lumalabas na ang pinag-awayan nilang una ay sa kanya (misis) rin nagsimula.

Hindi na sinabi pa ni Onemig kung ano ang pag-aaway na iyon, pero inamin din niya na ang kanyang asawa ay humihingi na ng annulment ng kanilang kasal, kaya naman hinihingi niya ang sole custody ng kanyang mga anak dahil sinasabi rin niyang “wala siyang capacity para ibigay ang pangangailangan ng aming mga anak”.

Hindi man niya sinasabi, pero mukhang hindi rin ipinapakita sa kanya ang mga anak nila kaya ganoon. Usually ganyan naman ang nangyayari sa pagkakagalit ng mag-asawa, itinatago ang mga anak sa isa.

Hindi naman natin nakikita ang lahat ng detalye niyan, siguro ang isang vital point diyan ay kung nalagay bang ang dalawang bata ay Filipino citizen o hindi. French national si Valerie. Pero mahabang usapan iyan sa korte. Ang advantage lang tiyak ni Onemig sa kasong iyan ay hindi maaaring ilabas ng bansa ang dalawang bata habang hindi tapos ang kaso.

‘Relasyon’ nina Pokwang at Lee O’Brian pang-promo lang?!

Totoo ba iyong mga tsismis na nagli-link kay Pokwang sa kanyang leading man sa Edsa Woolworth na si Lee O’Brian? Kung sabagay, hindi naman nakapagtataka kasi ang mga babaeng exotic looking na kagaya ni Pokwang, iyan ang talagang malakas ang appeal sa mga puti.

Pero parang nakakagulat naman na nagkasama lang sila sa shooting ng pelikula ay sinasabi agad na nagkakagustuhan na sila. Papaano kung hindi pala?

Baguhang nagsa-’sideline’ nagpapakilalang talent ng isang TV network

Kahit na raw sa madaling araw ay nakikita kung saan-saang lugar ang isang male newcomer na nagpapakilalang talent siya ng isang TV network. Pero marami ang duda, baka nga raw nag-extra lamang siya sa mga show noon dahil hindi siya kilala talaga bilang isang TV star, kahit na iyon ang sinasabi niya.

Anyway, iyan daw male newcomer ay may ka-live in na isang girl na ang trabaho ay kagaya rin ng ginagawa niya, “suma-sideline” sa kung ano. Kasi sinasabi ngang wala naman silang trabaho talaga, nag-live in tapos may mga bisyo pa.

vuukle comment

EDSA WOOLWORTH

LEE O

NAMAN

ONEMIG

PERO

POKWANG

VALERIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with