^

Pang Movies

Ryzza Mae inaagawan ng eksena ni Alonzo Muhlach

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pasimpleng umagaw ng eksena si Alonzo Muhlach kay Ryzza Mae Dizon sa daily co-hosting niya sa The ­Ry­zza Mae Show. Bibo man at madaldal, bata pa si Alonzo kaya hindi pa kayang sumabay sa hosting ni Ryzza na mas matanda sa kanya ng ilang taon.

Magkasama sa episode na Prinse­sa ng My Big Bossing sina Ryzza at Alonzo. Malaking factor ang presence sa show ng bata para magkaroon ng awareness at followers ang anak ni Niño Muhlach.

Just the same, lumulutang pa rin ang pagiging bata ni Alonzo na nakikialam sa ginagawang pag-iinterbyu at pag-i-endorse ng produkto sa show. Pero kapag sinabihan ni Ryzza ng sasabihin, masunurin naman ang bagets!

Sa darating na awards night sa festival, labu-labo ang labanan ng mga child stars dahil nandiyan din sina Bimby Yap ng Praybeyt Benjamin at Len Len Frial ng English Only, Please!

Isang filmfest entry nalito sa kinuhang komedyante

Nagkaroon pala ng mix up sa ilang cast ng isang entry sa festival. Gustong isama ng producer ‘yung isang kinagigiliwan na komedyante sa movie. Name lang ang alam ng producer kaya ipinamahala niya sa kanyang staff ang pagkuha sa komedyante.

Tinawagan naman ng staff ang manager ng komedyante at pinag-report sa shooting. Nagsu-shooting na ang kinuhang komed­yante nang dumating ang produ. Eh, medyo kilala ng producer ang nasa set na komedyante kaya nagtanong siya sa staff kung bakit siya nandoon.

Tugon daw ng staff, ‘yun ‘yung sinabi niyang kunin. ‘Yun pala, mali ang pagkakaintindi ng staff sa gustong ko­medyante ng produ. Kumbaga, luma na ‘yung komedyanteng dumating sa set at mas gusto niya ‘yung bagong aktibo pa sa TV.

Para hindi na lang mapahiya ‘yung unang komedyante, isinama na rin siya sa movie pero kinuha pa rin ng staff ang komedyanteng gusto ng produ para sa movie. Eh, mabait din ang produ kaya naman kahit wala sa budget nila ang talent fee ng naunang komedyante, isinama na rin siya pero iniksian na lang ang shooting days, huh!

TV5 naunang nagbigay ng importansiya sa entertainment press

Unang nagbigay ng Christmas Party para sa entertainment press ang TV5 last Wednesday sa The Elements ng Centris Mall. Pinoy ang pagkain with matching halu-halo na pantanggal ng umay.

Tanging si Ogie Alcasid na pinakamala­king contract star ng Kapatid Network ang present. Wala sina Robin Padilla, Gelli de Belen, at Derek Ramsay na contract artists ng network. Naroon din sina Empoy, Ritz Azul, at Eula Caballero.

For a change, nagbigay sila ng Press Media Awards. Nagkaroon din ng dance and singing numbers ang mga wannabees.

Para sa amin, sapat na ‘yung bigyan ng importansiya ng TV5 ang press na nakatulong nila sa 2014. Hindi man ito kabonggahan kumpara sa nakaraang parties nila, nagpasalamat na rin ang lahat ng dumalo dahil may puwang pa rin ang press sa puso ng TV5.

Sayang nga lang at walang detalye ng mga bagong shows ng network sa 2015. May nakalagay na Mac N Chiz at meron daw No Harm, No Foul na sasalihan ng PBA players. Base sa video, ‘yung mga shows na nagsimula this year gaya ng Talentadong Pinoy at Watt­pad Presents ang patuloy pa ring mapapanood ng mga tao.

Salamat at Happy Christmas, TV5!

 

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

BIMBY YAP

CENTRIS MALL

CHRISTMAS PARTY

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

EULA CABALLERO

RYZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with