^

Pang Movies

Erwin at Tulfo Brothers walang kinatatakutan, pero bihirang mag-bodyguard

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Basta nasa lugar ang ginagawa mo at nasa katwiran ka, wala kang dapat na ikatakot. Ito ang laging sinasabi ng isa sa matapang na broadcaster ng TV5 na si Erwin Tulfo. Isa siya sa host ng T3 Reload with two brothers na sina Ben at Raffy Tulfo. Magkasama naman sina Erwin at Cheryl Cosim sa Aksyon.

E kasi, tinanong namin si Erwin kung may bodyguard ba siya tuwing lumalakad at maging ang mga utol niya. Sagot naman ni Erwin, meron pero kumporme sa lakad. Sila naman daw ay nagta-trabaho lang, kaya walang personalan.

Kasi, napaka-tapang nila kahit na on the air sila. Talaga namang binabara nila sa ere ang taong inire­reklamo sa kanila. Ang Tulfo Brothers at ang iba pang news broadcasters ay pride ng TV5.

Laban o Bawi hanggang P1 M ang pamigay

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na the longest noontime show sa telebisyon na ipinagmamalaki ng GMA-7 kahit hindi sila nagsimula sa nasa­bing network. Kumbaga, sila ang last TV station na ilang dekada na ring nagdaan, heto at hindi sila iniiwan ng daily noontime show na kasama ng mga pami-pamilya sa kanilang pananghalian.

Tila hindi naman kasi nauubusan ng something new ang programa.

Gaya na lang ng isang portion sa Eat Bulaga na Juan for All, All for Juan. Pero mas nakatutuwa kapag mahihirap ang nabubunot na manalo at bigyan ng mga papremyo gaya ng regalo, food, datung, motorcycle, appliances, etc.

Now, naibalik na ang Laban o Bawi na P1-M ang jackpot prize. Kahit hindi mo ito mapanalunan, malalaking amount pa rin naman ang mati-take home mo kaya hindi ka pa rin talo rito.

Minsan nga sinagot pa ni Sen. Tito Sotto ang pampa-opera sa nanay ng isang contestant.

vuukle comment

ANG TULFO BROTHERS

BAWI

CHERYL COSIM

EAT BULAGA

ERWIN

ERWIN TULFO

LABAN

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with