^

Pang Movies

‘May wedding plan na kami ni Luis’ - Angel

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi raw apektado si Angel Locsin kahit meron nang ipinalit sa kanya si Phil Younghusband, si Bangs Garcia. “I am happy for him dahil naka-move on na siya,” sabi ni Angel patungkol kay Phil.

Balitang laging nanonood ng laban ng Azkals si Bangs basta nandun si Phil. Ito raw ang ikinagusto ni Phil kay Bangs. “May kanya-kanya na kaming buhay ngayon. I am happy with Luis (Manzano) at sana, happy rin si Phil with his new love,” dugtong pa ni Angel.

Kailan kaya magpa-public proposal si Luis kay Angel?  “Hindi ako ang dapat sumagot niyan dahil ‘yung lalaki ang nagpo-propose. Pero alam ko may wedding plan na, hindi pa lang sure kung kailan,” info pa ni Angel.

Jackie umeksena sa scholarship ng anak sa UCLA

Umeksena na naman si Jackie Forster ngayon dahil tinanggap ng anak niyang si Kobe Paras ang scholarship sa UCLA at posibleng makapasok sa NBA kalaunan. Pinag-uusapan kasi ngayon ang dunking skills ni Kobe at kahit nandun pa naman si LeBron James, nagpakitang-gilas siya rito.

Seventeen years old lang si Kobe, at 6’6” na ang height ng binata at siguradong tatangkad pa ito. Ina­min naman ni Jackie na ‘yung height ni Kobe ay sa tatay niya nakuha pati hilig sa pagba-basketball. Pero giit ni Jackie, ‘yung gandang lalaki ng anak nila ni Benjie plus ang maputing kutis ay sa kanya nagmula.

John Lloyd napangatawanan ang pagiging retarded

Napanood namin ang The Trial kamakailan at marami kaming kasabayan na nanood. Bilib kami sa consistency ni John Lloyd Cruz bilang isang retarded. Mahusay din si Richard Gomez bilang abogadong asawa ni Gretchen Barretto.  Maga­ling na rin palang umarte ngayon si Gretchen. Kahit si Vivian Velez ay napaarte ni Direk Chito Roño. Nakukulangan naman kami sa acting ni Enrique Gil. Pero maganda ang kanyang role dito bilang best friend ni John Lloyd. ‘Yung mga supporting na gaya ni Sylvia Sanchez kami humanga. Magaling siyang mag-tomboy. Sure kaming very proud sa kanya ang anak niyang si Arjo Atayde. At tiyak kami, malaki ang tsansa ni Sylvia na magkamit ng awards sa mga susunod na bigayan ng karangalan next year.

                             

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ARJO ATAYDE

BANGS GARCIA

DIREK CHITO RO

ENRIQUE GIL

JOHN LLOYD

KOBE

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with