^

Pang Movies

Boy Abunda gustong magkaroon ng sariling TV station

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa isang exclusive interview ni Karen Davila sa King of Talk na si Kuya Boy Abunda sa The Bottomline with Boy Abunda noong nakaraang Linggo, nagtapat si Kuya Boy sa relasyon nilang dalawa ni Bong Quintana. Ito raw lagi ang kasama niya nang maospital siya. Nagtatalo rin daw sila pero hindi nagtatagal ang kanilang communication gap. Hindi raw naiisip ni Kuya Boy na maghanap ng ibang partner. Hindi rin daw siya nagtataksil kay Bong. At kung si Bong naman ang magtataksil?  “Madali kong malalaman,” sabi ni Kuya Boy.

Ang pinaka-ultimate dream ni Kuya Boy ay ang magkaroon ng sariling television station.  “I want to have my own network someday,” diin ni Kuya Boy.

Sa ngayon daw ay patuloy siyang nagpapagaling sa operasyon niya.  At iyon ang importante lalo na sa mga taong sumusuporta sa kanya at tinutulungan niya.

Mga naiwan ni Tia Pusit malaki ang bayaran sa hospital

Nagpasalamat si Nova Villa sa ginanap na concert for a cause ng ilang artista at singer kung saan ang proceeds ay napunta sa namayapa niyang kapatid na si Tia Pusit o Myrna Villanueva. Malaki kasi ang binayaran ng mga kamag-anak ni Tia Pusit sa ospital kung saan siya na-confine. Kinailangan pang mag-fund-raising para sa gastos ni Tia Pusit sa ospital. Nailibing na siya kamakailan sa Holy Cross Memorial Park kung saan nagpalipad ng maraming balloon.

Richard ayaw maki-ride sa uso

Wala pa ring wedding bells na maririnig kina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Wala ring marriage proposal na maaasahan. “Ayaw naming sumakay sa mga nag-proposal diyan at ayokong gayahin sila komo’t uso ito. But we were talking about it. Sa tamang panahon ikakasal kami,” sabi ni Richard sa 21st birthday ni Sarah kamakailan na may temang Morrocan.

Sabi ni Sarah, kung masusundan ang anak nilang si Zion, gusto raw niya ng kambal naman this time.  “Kahit parehong babae o parehong lalaki basta kambal sila,” sabi ni Sarah na nakangiti.

Aba, hindi malayong magkatotoo ang wish ni Sarah dahil nasa lahi ng ka-live-in niyang si Richard ang kambal.           

vuukle comment

BONG QUINTANA

BOY

BOY ABUNDA

HOLY CROSS MEMORIAL PARK

KAREN DAVILA

KUYA BOY

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with