^

Pang Movies

Paging Mariel Robin asikasong-asikaso si Vina!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nakunan na ang wedding scene nina Robin Padilla at Vina Morales sa movie nilang Bonifacio: Ang Unang Pangulo sa Pagsanjan, Laguna kung saan sila na-stuck nung kasagsagan ng bagyong Mario kaya kinabuka­san na nakauwi ang cast.

Gumaganap si Vina sa role na Gregoria de Jesus na asawa ni Andres Bonifacio na role naman ni Robin.  Ang Bonifacio ay entry ni Robin para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong December.

Nagkaroon ng ilangan sina Robin at Vina noon una nilang pagkikita pero dahil sa hindi naman daw nagbago si Binoe na maasikaso, madaling nakunan ang kanilang mga eksena. Makita pa lang na magkasama sina Robin at Vina ay ikinatuwa at ikinakilig na ng mga nasa shooting nila.

Nakikisabay din kumain si Robin kay Vina, pero magkaiba na ang pagkain nila sa set, since alam naman ng lahat na Muslim si Binoe. Masaya rin si Vina na si Robin mismo ang pumili sa kanya para sa kanyang role.  Nilinaw naman ni Robin na hindi naman ang dati nilang ‘loveteam’ ang ibinabalik dahil ibang level naman ang gagawin nila rito.

Thankful din si Vina kay Mariel Rodriguez na pumayag itong magkasama sila sa movie at hindi nagbabantay sa shooting nila.

Kukunan din ngayong Huwebes ang isa sa big scene ng movie. Nagpatayo pa si Robin ng bahay na nagkakahalagang P15 M na susunugin sa eksena.

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

ANG BONIFACIO

ANG UNANG PANGULO

MARIEL RODRIGUEZ

METRO MANILA FILM FESTIVAL

ROBIN

ROBIN PADILLA

VINA

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with