^

Pang Movies

Mga babaeng rumampa hindi pinansin pagpapakita ng ahit na puson ni Tom, pumatok

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Si Tom Rodriguez ang umani ng pinakamalakas na pa­lakpak mula sa SM Mall of Asia Arena audience noong gabi ng The Naked Truth: The Bench Denim and Underwear Show.

Marami ang ginulat ni Tom sa pagpapasilip niya ng ahit niyang puson at konti na lang ay masisilip na ang kanyang tinatagong “Tom Junior”.

Malaki nga ang iginanda ng katawan ng host ng Don’t Lose The Money at malaking sakri­pisyo ang ginawa niya para lang makarampa siya nang buong confidence sa gabing iyon.

Isa pang tinilian ay si Dennis Trillo dahil first time siyang rumampa na naka-underwear at ipinagmalaki niya ang kanyang batak ng katawan dahil na rin sa kanyang matinding training para sa teleserye na Hiram na Alaala.

Gumawa pa rin ng eksena si Jake Cuenca nang umentrada siya via a zip line at ang tinakpan lang niya ay ang kanyang “little Jake”.

Tinupad ni Jake ang kanyang pangako na isang pasabog ang gagawin niya dahil ito na raw ang huling pagkakataon na rarampa siya sa Bench fashion show. Lilipad nga papuntang New York si Jake sa katapusan ng buwan para mag-aral ng Method Acting sa Lee Strasberg School of Acting.

Marami lang ang nakapansin na hindi na kasing ganda ang katawan ni Jake unlike noong mga nakaraang Bench fashion shows. Bilugan na ang katawan nito at tila may tiyan ito na umuusli.

Mga umani rin ng malakas na palakpakan ay sina Enchong Dee (na umakyat pa sa isang stripper pole), Joseph Marco, Paulo Avelino, Martin del Rosario, Sam Concepcion at ang pamangkin ni Beth Tamayo na si Dominic Roque na walang takot na inilantad ang kanyang magandang katawan.

Obvious na dedma ang audience sa mga female celebrities na rumarampa dahil ang mga male celebrities ang umani ng pinakamaraming post ng mga pictures sa social media.

LT kailangan ng therapy, naaksidenteng likod ‘di pa magaling

Okey lang daw kay Rap Fernandez na big­yan siya ng mga character roles para hindi raw sila magkapareho ng kanyang kapatid na si Renz Fernandez na ibini-build up naman bilang romantic leading man.

Rebelde nga ang role ni Rap sa kanyang first primetime series sa GMA-7 na Hiram Na Alaala. Bilang si Bruno, siya ang dadakip sa mga characters nila Dennis Trillo at Rocco Nacino.

Huli ngang napanood si Rap sa Innamorata.

“It’s a big challenge kung character roles ang gagawin ko. Mas nakakapaglaro ako sa role ko.

“Hindi naman ako totally kontrabida dito sa Hiram na Alaala. May rason kung bakit bigla kong naging kaibigan sila Dennis at Rocco sa story.”

Wala naman daw silang rivalry ng kanyang kapatid na si Renz dahil magkaiba naman daw ang mga roles nila sa mga teleserye.

Three-years old na nga ang baby girl ni Rap na si Tori. Parati nga raw itong hinihiram ng kanyang inang si Lorna Tolentino kapag wala raw itong trabaho.

Kinumusta naman namin ang kalagayan ni Lorna dahil naka-back brace ito dahil sa isang aksidente.

“Okey naman si mommy. She is still taping for My Destiny. Pero kailangan halos lahat ng scenes niya nakaupo siya. Sumasakit daw kasi ang likod niya kapag matagal siyang nakatayo. She’s undergoing therapy naman and knowing my mom, she’s be back to normal very soon,” pagtatapos pa ni Rap Fernandez.

vuukle comment

ALAALA

BENCH DENIM AND UNDERWEAR SHOW

BETH TAMAYO

DAHIL

DENNIS TRILLO

DOMINIC ROQUE

KANYANG

RAP FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with