^

Pang Movies

Mega hindi pa tapos ang pakikipag-usap sa TV5?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Totoo nga, may mga unresolved issues pa sa pag-alis ni Sharon Cuneta sa TV5. Natanggap din namin ang e-mail na iyon mula sa kanyang mga manager, pero maliwanag naman na maayos ang kanilang paghihiwalay. May mga bagay pang kailangang pag-usapan. Una, ano ba ang pananagutan ni Sharon dahil sa hi­ningi niyang pre-termination ng kanyang kontrata? Sa kabilang banda naman, ano ang pananagutan ng network dahil sa kanilang pagpapalit ng format para gawing news and sports station iyon at mawalan din ng chances ang iba nilang stars, kagaya nga rin ni Sharon na umaasa ng mga malalaking proyekto mula sa kanila? Natural aasa si Sharon ng malalaking projects, after all hindi siya aalukin noon ng isang bilyon kung maliliit na proyekto lang ang gagawin niya.

Pero dahil maayos naman ang naganap na hiwalayan, palagay namin maaayos din kung anuman iyang sinasabi nilang unresolved issues na iyan. Siguro nga sila-sila lang ay maaari nang pag-usapan iyan. Kung hindi naman, may mga abugadong mag-aasikaso niyan. Ang mahalaga nakapaghiwalay sila nang maayos at mukhang wala namang samaan ng loob. Walang naging sisihan.

Paolo hindi nagsinungaling sa kanyang sex video

Isa pang sinasabi nilang mukhang naapektuhan ng pagpapalit ng format ay si Paolo Bediones, na alam naman nating isa ring executive ng TV5 bukod sa pagiging news anchor. Naroroon pa rin naman si Paolo, at sinusuportahan pa rin naman siya ng network, medyo nabawasan nga lang nang kaunti ang kanyang exposure dahil sa pagpapalit ng format.

Sinasabi nga nilang hindi naapektuhan si Paolo dahil sa kumalat na sex video, after all inamin naman daw pala niya sa management na “ginawa ko iyan noong nandoon pa ako sa kabila,” at tinanggap naman ng management ang katuwirang iyon. Hindi naman siya nagsinungaling.

Female star sinusuwerte, misis ng DOM ayaw mag-iskandalo

Pinag-uusapan nila ngayon ang pakikipag-relasyon ng isang female star sa isang DOM. Mayaman daw ang lalaki, kahit na may edad na at may asawa. Mabuti, tahimik lang daw ang tunay na asawa at ayaw ng iskandalo, kaya naman hindi nabubulgar ang relasyon ng DOM sa female star.

Kilala ang female star na iyan sa pagiging liberated. May mga iskandalo na nga rin siyang kinasangkutan noon, pero mukhang malakas talaga ang kanyang mga managers, kaya nalulusutan pa rin niya iyon at binibigyan pa rin siya ng assignment sa kanyang network.

vuukle comment

ISA

KANYANG

KILALA

MAYAMAN

NAMAN

PAOLO BEDIONES

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with