^

Pang Movies

Pinapantasyang hunk/model na crush ni Kris si Toni Gonzaga ang type

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ang haba naman ng buhok ni Toni Gonzaga matapos sabihin ng hunk model na si John Spainhour na ang singer/actress ang crush niya ngayon sa segment ni Korina Sanchez na ‘Akalain Mo’ last Sunday sa programang Rated K sa ABS-CBN.

Kaya naman umuusok ang mga tenga at ilong ng mga bashers ni Toni sa inggit, kahit pini-pintasan pa nilang duling-dulingan ang TV host/actress. At least naman napansin ang kanyang kagandahan ng Fil/Am model na si John na pinapantasya  ng mga babae, lalo na ang mga pa-girl ng kinaiinggitan ang katawan na dating  scout sniper ng U.S Marines. Kahit pa hindi nanalo si John bilang Mister World na representative ng Philippines sa England kamakailan, hindi naman nadismaya ang kanyang mga tagahanga.

Tiyak proud si Direk Paul Soriano na may ibang nagka-crush sa kanyang GF.

Si Kris Aquino ang unang nagsabi na crush din ang mabait na si John nang makasama nila ito sa kanyang Kris TV show. Hindi lang daw good looks meron si John, kundi smart at mabait pa sabi noon ng TV host na si Kris. Nagkasaya na lang si Kris na tingnan ang katawan ni John sa kanyang show. Ayaw daw niyang maging BF ito dahil tiyak daw na sasakit ang ulo niya sa rami ng mga girls na naghahabol sa hunk/model.

Pilipit na dila ni Daniel

dumiretso sa takot

kay Direk Cathy

Mabuti na lang naimbitahan ni Big Brother si Direk Cathy Garcia-Molina sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) House last week para sa kanilang short film task.

Ngayon, alam na viewers kung bakit naging box-office hit ang mga obra ni Direk Cathy tulad ng One More Chance, A Very Special Love, You Changed My Life, at Miss You Like Crazy at marami pang iba. Napakahusay pala niya talagang director lalo na sa pagmo-motivate ng kanyang mga artista. Ang pinakahuli niyang idinirek ay ang movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na She’s Dating the Gangster na humataw din sa mga sinehan. 

Hindi lang ang mga housemates na sina Daniel Matsunaga, Jane Oineza, Vickie Rushton, Loisa Andalio, Maris Racal, at Joshua Garcia ang natuto sa itinuro ni Direk Cathy, pati ang televie­wers ay nag-enjoy na magkaroon ng libreng workshop mula sa respetado at magaling na director.

Nakatikim man ang mga housemate ng galit at masasakit na salita mula sa direktor, nagawa naman nitong mailabas at mapiga ang kanilang talent sa pag-arte. Hindi nila malilimutan ang bagsik ni Direk Cathy na totoong nagiging monster kapag iniinis ng mga artistang hindi sumusunod sa kanyang instructions.

Si Daniel nga, hindi lang na-discover na may ibubuga sa aktingan kundi nagawa nitong idiretso ang pilipit niyang dila sa takot kay Direk Cathy. Maging si Jane ay nagawa ring umarte na tiniyak ni Direk Cathy na tatanim sa isip nito na maging seryoso at titino na sa kanyang pagiging artista.

Bitin tuloy ang pagbisita ni Direk Cathy sa Bahay ni Kuya dahil marami siyang nahugot na magagandang eksena sa housemates. Kahit malupit na direktor, tiyak na lalo pang madaragdagan ang mga artistang gustong makatarabaho siya.

Samantala, nagkatotoo ang kutob ni Joshua dahil siya ang lumabas sa Bahay ni Kuya. Kaya mas magiging mahigpit ang laban ngayong lima na lang ang natitira sa Bahay ni Kuya at isang linggo na lang ay malalaman na kung sino ang Big Winner.

 

 

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

AKALAIN MO

BIG BROTHER

CATHY

DIREK

DIREK CATHY

KANYANG

KUYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with